top of page
Search
BULGAR

Incentives para sa health workers, ibigay nang tama

@Editorial | June 04, 2021



May reklamong ipinarating sa kinauukulan kaugnay sa hindi pagbibigay ng tamang incentives sa mga health workers sa ilang ospital.


Ayon sa sumbong, food items umano ang ibinibigay sa mga health workers imbes na cash incentives.


Napag-alamang nasa P40, 000 cash incentives ang inaasahan ng mga health workers sa mga ospital na ito subalit, sa halip ay bigas at groceries ang kanilang natanggap.


Batay sa Bayanihan 2 Law, ang bawat health personnel ay entitled na magkaroon ng buwanang risk allowance bukod pa sa kanilang hazard pay at iba pang benepisyo.


Ilang buwan na rin umanong delayed ang additional compensation na ito, pero sa halip na cash ay in kind pa ang ibinigay sa mga health workers na buwis-buhay sa pagseserbisyo sa gitna ng pandemya.


Ito ay malinaw na paglabag sa batas, kaya sa mga nasa likod ng ganitong uri ng pang-aabuso, tigilan n’yo na. Mahiya naman kayo sa mga health workers na mas pinipiling manatili sa paglilingkod sa kabila ng napakaraming hamon at kakulangan.


Kaya hindi na rin nakapagtatakang may ibang health workers ang napipilitang mag-abroad dahil sa mga hindi makatarungang pagtrato tulad nito.


Alagaan natin ang mga kababayan nating handang magsakripisyo at magbuwis ng buhay alang-alang sa kapakanan ng buong bayan. ‘Yung mga abusado, makasarili at walang magandang ambag sa lipunan, makonsensiya naman kayo.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page