top of page
Search
  • BULGAR

INC lang daw ang nakakaalam… RURU AT BIANCA, KASAL NA

ni Nitz Miralles @Bida  | August 16, 2024



Showbiz News
Photo: Ruru at Bianca - Bianca Umali / IG

Nag-comment lang si Michelle Dee ng, “Can you two just get married na?” bilang reaction sa photo nina Ruru Madrid at Bianca Umali na nasa swimming, napunta na sa kasal ang convo ng mga fans.


Bianca Umali at Ruru Madrid

May nag-agree kay Michelle na dapat magpakasal na ang dalawa, pero may humirit na kasal na raw sina Ruru at Bianca at ang nagsabi raw ay ang mga taga-lokal ng Luzon. 

Kung totoo ang tsika, sana raw i-confirm ng couple. 


May nag-comment pa ng, “Only INC knows,” at “I think they are married already.”

Of course, saka lang tayo maniwala kapag sina Ruru at Bianca na mismo ang nag-confirm at wala namang masama kung totoong kasal na sila. Siguro naman, hindi makakabawas sa kanilang popularity kung totoong mag-asawa na nga ang dalawa.


Bibigyan pa rin sila ng project ng GMA Network at si Ruru nga, habang hindi pa gagawin ang Book 2 ng Lolong, kasama sa MMFF entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones


Si Bianca naman, may Sang’gre at may pelikula sa Pocket Media Films.

Dahil din sa comment na ‘yun ni Michelle, may mga comments na laging sumasamba sa Batasan sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Nahihiya lang daw sila na lapitan ang dalawa dahil nga sumasamba at sumasamba rin ang mga nakakakita sa mag-sweetheart.


 

NAKAKALOKA ang mga bashers ni Chloe San Jose, ang controversial girlfriend ni Carlos Yulo, dahil kung anu-ano na ang itinatawag sa kanya. 


Akala namin, tama na ‘yung tinawag siyang ‘Goldilocks’ dahil sa blonde hair niya, pero mas may iba pa palang naisip na itawag sa kanya.


Inisip pa namin kung sino ang tinawag ng netizen na “Hydrogen Peroxide” na sumingit daw sa picture taking nina Carlos at Heart Evangelista. Saka lang namin naintindihan kung sino ang tinawag na ganu’n dahil na rin sa mga sumunod na comments.


Nabuhusan daw ang hair ni Chloe ng hydrogen peroxide.


Hindi pa nakakarating kay Chloe ang latest na tawag sa kanya, tingnan natin kung sasagutin niya. 


Palaban si Chloe at itinatama ang mga maling naisusulat at nasasabi tungkol sa kanya, na dapat lang.


Gaya na lang sa nagtanong kung paano niya na-afford ang business class sa eroplano, sagot nito, “I don’t have to explain every single bit of my income, just know that I CAN

AFFORD IT MYSELF, LOL (Laugh Out Loud).”


May paglilinaw din siya sa comment na Grade 12 lang ang inabot niya sa Melbourne, Australia. 


Sey niya, “Huh, Grade 12 lang tinapos? Sorry, I did a course on being an enrolled nurse and now taking up my bachelor of psychological sciences. Get your facts right.”


Marami rin ang gusto si Chloe nang pumunta siya sa Rizal Coliseum na for sure, kasama ni Carlos. Marami ang nag-chant ng kanyang pangalan. 


Positive rin ang reaction ng mga netizens sa kanya at patunay daw ‘yun na tanggap siya bilang nobya ni Carlos. Acknowledgement din daw ‘yun ng pagkilala sa naitulong niya sa pagiging champion ng kanyang dyowa.


May nagtanong lang kung 'di ba babalik sa Melbourne si Chloe? Dito na raw ba siya sa Pilipinas mag-i-stay? Paano ang pag-aaral niya sa Melbourne? 


Si Chloe San Jose lang ang makakasagot niyan, pero dahil ayaw niyang magpainterbyu, hindi natin malalaman ang kanyang sagot.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page