top of page
Search
BULGAR

Inalok sa porn movie... RONNIE: HINDI AKO NAGPAKAHIRAP MAGING PILOTO PARA MAGHUBAD

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 12, 2022




Sa Instagram post ni Ronnie Liang, isiniwalat niya ang kanyang pagkadismaya nang alukin siya na maging bida ng isang porn film, bagama't hindi niya sinabi kung sino ang nag-offer sa kanya.


Kasama sa IG post ang topless photo niya na kuha sa isang pool at nag-viral nga ang naturang post sa Twitter.


Pag-amin ng mang-aawit, "I got pissed off and disappointed. I was offered and urged to do PORN movies... Thanks, but NO thanks po."


Pagpapatuloy niya, "I did not sacrifice and study hard all these years only to show my private parts in public—Nakakahiya! Without trying to brag, I am already an Army Reservist Officer, a pilot, a Master's degree holder, a brand ambassador of some companies, and other government agencies.


"Madami pa po akong puwedeng gawin at 'pag ginawa ko 'yan (paghuhubad), madaming mawawala sa akin."


Paglilinaw pa niya, "Most importantly, please understand that I am a Christian and a follower of Christ. Whatever I have achieved and everything I do is for the honor and glory of God. I am not perfect, super rich, or super famous, but to me, fame and money are only temporary.


"Self-respect and the respect of my colleagues in and out of showbiz are forever more vital to me.


Okay lang naman po kung wala akong movie or project. Sa iba n'yo na lang po ibigay ang lead role na 'yan."


Panghuli pa niya, "Hanggang ganito lang po ang puwede kong ipakita."


Ang wa-wild naman ng comments ng ibang Marites na nakisawsaw sa isyu.


"I admired Ronnie Liang sa achievements niya, pero sana, simpleng 'Pass po ako sa ganyang project' puwede nang sagot. Bakit ang haba ng litanya niya?"


"Why the need to post it kung ayaw naman pala? Ang dami pang sinabi, gusto lang magpapansin."


"I like Ronnie, a man with good values who is trying to live life the right way. We need more people like him," papuri naman ng isa.


Pero mas maraming nega comments like, "Sex-work shaming si kuya."


"Parang... hindi naman siya porn star material... Face or body are waley."


"Oh, sa actor na tatanggap ng role na in-offer sa kanya, 'lam mo na. Wala ka raw self-respect! Hindi ka kasi Christian! Christians lang ang may self-respect!"


 

JOHN, CHRISTIAN, DINGDONG, DANIEL AT PIOLO, LABAN-LABAN SA PAGKA-BEST ACTOR



Tiyak na magiging mahigpit na naman ang labanan para sa major awards ng ika-limang edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na magaganap sa November 27, 2022 sa Metropolitan Theater o MET.


Ang limang dekalidad at pinag-usapang pelikula noong nakaraang taon ang magbabakbakan sa Best Film at kabilang diyan ang Arisaka (Ten17 Productions), Big Night (IdeaFirst Company), Dito at Doon (TBA Studios); Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment), at On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).


Nominado naman sa kategoryang Best Director sina JP Habac (Dito at Doon); Jun Lana (Big Night); Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon); Erik Matti (On the Job: The Missing 8); at Mikhail Red (Arisaka).


Makikipagtunggali naman si Ms. Charo Santos sa pagka-Best Actress (via Kun Maupay Man It Panahon) kalaban sina Alessandra de Rossi (My Amanda); Janine Gutierrez (Dito at Doon); Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam); at Maja Salvador (Arisaka).


Kaabang-abang din kung sino ang tatanghaling pinakamahusay na aktor mula sa mga nominadong sina John Arcilla (On The Job: The Missing 8) na nominated din bilang Supporting Actor para sa Big Night; Christian Bables (Big Night); Dingdong Dantes (A Hard Day); Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon); at Piolo Pascual (My Amanda).


Ang ika-limang edisyon ng The EDDYS ay sponsored ng Globe Telecoms kasama ang Beautederm, at sa pakikipagtulungan ng Tanduay, Dr. Carl Balita of Dr. Carl Balita Foundation, JFV Rice Mill at ni Bataan Rep. Geraldine B. Roman.


Ito ang pagbabalik ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa face-to-face event matapos ang virtual na pagdaraos ng 4th EDDYS nitong nagdaang 2021.


Ang OPM icon at premyadong singer-songwriter na si Ice Seguerra ang magdidirek ng ika-limang edisyon ng The EDDYS. Siya rin ang nagdirek ng 4th EDDYS last year.


Samantala, ang award-winning TV personality na si Boy Abunda naman ang magsisilbing host ng taunang pagbibigay ng parangal ng SPEEd.


Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang mamamahala sa pagbibilang ng mga boto para sa 5th EDDYs.


Narito ang kumpletong listahan ng mga nominado sa ikalimang edisyon ng The EDDYS.


BEST FILM

Arisaka (Ten17 Productions)

Big Night (IdeaFirst Company)

Dito at Doon (TBA Studios)

Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment)

On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).


BEST DIRECTOR

JP Habac (Dito at Doon)

Jun Lana (Big Night)

Carlo Francis Manatad (Kun Maupay Man it Panahon)

Erik Matti (On the Job: The Missing 8)

Mikhail Red (Arisaka)


BEST ACTRESS

Alessandra de Rossi (My Amanda)

Janine Gutierrez (Dito at Doon)

Kim Molina (Ang Babaeng Walang Pakiramdam)

Maja Salvador (Arisaka)

Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon)


BEST ACTOR

John Arcilla (On The Job: The Missing 8)

Christian Bables (Big Night)

Dingdong Dantes (A Hard Day)

Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon)

Piolo Pascual (My Amanda)


BEST SUPPORTING ACTRESS

Janice de Belen (Big Night)

Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8)

Eugene Domingo (Big Night)

Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas)

Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon)


BEST SUPPORTING ACTOR

John Arcilla (Big Night)

Mon Confiado (Arisaka)

Ricky Davao (Big Night)

Christopher de Leon (On The Job: The Missing 8)

Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8)


BEST CINEMATOGRAPHY

Neil Derrik Bion (On the Job: The Missing 8)

Mycko David (Arisaka)

T.M. Malones (Huwag Kang Lalabas)

Teck Siang Lim (Kun Maupay Man It Panahon)

Noel Teehankee (For Love or Money)


BEST PRODUCTION DESIGN

Whammy Alcazaren (Kung Maupay Man It Panahon)

Michel N. Español, Roma Regala (On the Job: The Missing 8)

Arthur Maningas (Huwag Kang Lalabas)

Jay Custodio (Huling Ulan sa Tag-araw)

Norico Santos (Love is Color Blind)


BEST SCREENPLAY

Erik Matti, Michiko Yamamoto (On The Job: The Missing 8)

Giancarlo Abrahan, Carlo Francisco Manatad, Jeremie Dubois (Kung Maupay Man It Panahon)

Juna Lana (Big Night)

Acy Ramos, Irish Precious Mangubat (Huling Ulan sa Tag-araw)

Khristine Gabriel, Simon Arciaga (Love is Color Blind)


BEST MUSICAL SCORE

Malek Lopez, Arvin Nogueras, Erwin Romulo (On the Job: The Missing 8)

Andrew R. Florentino (Kun Maupay Man It Panahon)

Teresa Barrozo (Big Night)

Jerrold Tarog (Dito at Doon)

Cesar Francis Concio (Love is Color Blind)


BEST SOUND

Immanuel Verona (Arisaka)

Immanuel Verona (Big Night)

Andrew Forentino (Kun Maupay Man It Panahon)

Corinne de San Jose (On The Job: The Missing 8)

Mikoy Morales (Huwag Kang Lalabas)


BEST EDITING

Nikolas Red (Arisaka)

Benjamin Tolentino (Big Night)

Jay Halili (On The Job: The Missing 8)

Bienvenido Ferrer III (Kun Maupay Man It Panahon)

Marya Ignacio (Love is Color Blind)

Renard Torres (Dito at Doon)


BEST ORIGINAL THEMESONG

"Maaari Ba" (from Love at First Stream)

Performed by Alyssa Quijano

words and music by Richard Salazar

"Sana Panaginip Lang" (from Love at First Stream)

Performed by Trisha Denise

words and music by Richard Salazar

"For Your Eyes Only" (from Love is Color Blind)

Performed by Belle Mariano

words and music by Trisha Denise

"Maganda Kahit Matanda" (from Revirginized)

Performed by Marion Aunor

words and music by Marion Aunor

"Maghihintay" (from More Than Blue)

Performed by Marion Aunor

words and music by Marion Aunor


BEST VISUAL EFFECTS

Maolen Fadul (Big Night)

Gerwin Meneses (Huwag Kang Lalabas)

Sam Manacsa, Nimrod Sarmiento (Kun Maupay Man It Panahon)

Bernadeth Bolima, Mark Danielle Paras (On The Job: The Missing 8)

The Post Office (The ExorSis)


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page