top of page
Search
  • BULGAR

Inalalayan daw ng aktor… KIM, UMAMING NAGPRAKTIS MUNA SILA NI PAULO BAGO NAGTIKIMAN

ni Nitz Miralles @Bida | June 3, 2024



Photo
Image: Kim Chiu at Paulo Avelino sa What's Wrong With Secretary Kim - Viu

Bago pa man ang launching kay Kim Chiu bilang endorser ng Hello! Melo na isang beauty drink mula sa Brilliant Skin Essentials, marami na ang nakakaalam na si Kim ang endorser nito. Ang hinintay na lang ng mga fans ng aktres ay ang formal launching niya, kung paano ipo-promote ang beauty drink at kung may kasama bang billboard na sigurado naman.


Bago ang formal launching ni Kim, ang CEO/owner ng Brilliant Skin Essentials na si Miss Glenda muna ang nag-promote ng bago niyang produkto sa kanyang Instagram page. 


May photos siya na nakasuot ng kulay ng melon at aliw ang caption: “Embracing happiness and it looks good on me! Hindi kayo manghihinayang na pumasok kayo sa brand ko,” na sinundan ng “Grabe ang CEO ng Brilliant Skin, hindi napapagod,” at “Dati, bina-bash ako sa kaka-self love. Ito na po ang resulta. Everyone, Binibining Miss Glenda, 27, at your service!”


Samantala, sa launching kagabi ni Kim, siguradong natanong siya kay Paulo Avelino sa status kung may relasyon man sila at kung totoong may gagawin silang pelikula. 


Tiyak na nausisa rin si Kim sa love scene nila ni Paulo sa What’s Wrong with Secretary Kim? at sinagot niya ang tanong ni MJ Felipe sa isang interview.


Ayon kay Kim, inalalayan siya ni Paulo sa love scene nila. 


Sey ni Kim, “Inalalayan n’ya ako at may rehearsal naman. Hanggang cabinet lang ako, sa love scene, siya na ‘yun.”


Sa tanong ni MJ kung paano siya inalalayan ni Paulo, “Nagpaalam s’ya in so many ways.


Kung paano ang lagay ng kanyang kamay, may choreography at may rehearsal nga, hindi ‘yung love scene ang ni-rehearse,” natatawang sagot ni Kim.


May rehearsal man o wala, nagawa nina Kim Chiu at Paulo Avelino na nakakakilig ang love scene nila pati ‘yung kissing scene nila sa cabinet, kaya hanggang ngayon, kinikilig pa ang KimPau (Kim at Paulo) fans kapag pinag-uusapan ito.           

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page