top of page
Search
BULGAR

Inabutan ng chip ng nagsusugal… TONI, KUMANTA SA CASINO, WALANG NAKIKINIG, NAPAIYAK SA AWA SA SARILI

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 19, 2022




Sa 20 years ni Toni Gonzaga-Soriano sa showbiz industry ay hindi biro ang mga dinaanan niyang hirap noong nagsisimula pa lang siya. Kaya naman kung anuman ang tinatamasa niya ngayong ginhawa at karangyaan ay deserved niya.


Isa kami sa mga naka-witness ng pagsisimula ni Toni noong kinukuha siyang front act lagi ni Jolina Magdangal sa mga provincial shows niya. Isa na sa Capiz, Roxas City kung saan kami ang nag-cover, at inamin ito ng TV host/actress/producer/content creator at singer.


“Yes, ako ang front act niya dati sa mga concerts niya. Love ko 'yan si Jolens, isa sa napakabait na artista-singer na nakilala ko noong nagsisimula ako.


“Hindi ko siya makakalimutan dahil ang opening ng concert niya, Ooops I Did It Again by Britney Spears, that was 1998-1999," nakangiting sabi ni Toni during the I Am… Toni mediacon na ginanap sa Winford Manila Resort and Casino para sa 20th Anniversary Concert niya.


Nabanggit namin na napakasimple pa noon ng get-up niya, jeans at shirt lang.


“Oo, kasi wala pa akong budget noon. Hindi halata kaya 'yun na lang jeans and shirt na lang,” natawang alaala pa niya.


Isa pang naalala ng tinaguriang My Ultimate Media Star ay noong 18 years old siya na kumakanta siya sa casino pero walang nakikinig dahil abala ang lahat sa paglalaro ng slot machine at iba pa.


“Favorite memory ko, when I was starting as a singer, kumakanta akong mag-isa, Pasko sa Casino Filipino.


“Doon ako nakapuwesto, December 24 or December 25, hindi ko na masyadong matandaan, basta Pasko ‘yun. Tapos, siguro, 17 or 18 years old lang ako nu’n, kumakanta ako ng Pasko Na Sinta Ko. Lahat, nagga-gamble, lahat nasa slot machine! Sabi ko, ‘Ano ba'ng ginagawa ko rito?’


“Parang hindi ginagawa ng isang normal na 18-year-old na kumakanta sa isang gambling area na lahat, nasa slot machine, na walang nakikinig.


“Tapos, may nagbigay ng tip, ‘yung chip. Siguro, naawa siya, ‘Uy, umiiyak ‘yung singer, bigyan natin.’


“Tapos, after kong kumanta, nagpunta ako sa CR, tapos hindi pa ako natapos, du’n ako nagdrama, umiyak talaga ako.


“Tapos, naaalala ko lang, parang sinabi ko sa sarili ko na one day, kapag may hawak na akong mikropono, may makikinig na sa akin. ‘Yun lang ang sinabi ko sa sarili ko.


“And then, I pursued my career, I continued, I sang in different hotels, different bars, hanggang sa one day, 'pag hawak ko na nga ‘yung microphone, makikita ko kapag mga live shows, big events, nakikinig na sila. Tapos, sabi ko, ‘Ay, naalala ko ‘yung moment when nobody was listening to me.'


“I’m so grateful na makarating sa ganitong milestone ng ating journey dito sa industry and I’m also very excited to celebrate it with everyone,” magandang kuwento ni Toni.


Dagdag pa niya, “It’s a celebration of milestones, of journeys, of the ups and downs, the learnings, and parang where I came from, where I am today and where my life is heading after 20 years.”


Ang nag-produce ng I Am…Toni ay ang Godfather Production ni Joed Serrano and co-produced by Mommy Pinty Gonzaga, sa pakikipagtulungan ng Ever Bilena at Hello Glow.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page