ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 6, 2025
BINABATIKOS NA NG IBA’T IBANG SEKTOR ANG SSS HIKE CONTRIBUTIONS, PERO ANG 12 SENATORIAL CANDIDATES NI PBBM, DEDMA SA DAGDAG-PAHIRAP NA 15% MONTHLY BUTAW SA MGA SSS MEMBER – Iba’t ibang sektor na ng lipunan ang bumabatikos sa15% monthly contributions sa Social Security System (SSS) members, pero lahat ng 12 senatorial candidates ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay dedma lang sa dagdag-pahirap na taas-butaw sa mga miyembro ng SSS.
At dahil nga dedma lang sila sa napakainit na usapin, ang dapat gawin ng 38.8 milyong SSS members ay dedmahin din nila ang kandidatura ng 12 “manok” ni PBBM sa senatorial election. Ibig nating sabihin, dapat ibasura ng mga miyembro ng SSS ang lahat ng kandidato ng Marcos administration sa pagka-senador, period!
XXX
BAKA SINA HONTIVEROS AT PIMENTEL LANG MAG-‘YES’ AT ANG 21 SEN. MAG-‘NO’ SA IMPEACHMENT KAY VP SARA -- Ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante ay lulusot daw sa Kamara ang mga impeachment complaint laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio dahil majority daw ng congressmen ay gustong ma-impeach ang bise presidente, pero ang problema raw ay kung lulusot o ii-impeach ng Senado si VP Sara.
Sa totoo lang, kahit magkakaiba ang partido ng mga senador, karamihan sa mga iyan ay kaalyado at may respeto pa rin kay ex-P-Duterte, na ang nais nating ipunto ay tiyak hindi mai-impeach si VP Sara kasi baka dalawang senador lang sa katauhan nina minority members Sen. Risa Hontiveros at Sen. Koko Pimentel ang bumoto ng “yes” at 21 senador ang bumoto ng “no” sa pagpapatalsik sa vice president, boom!
XXX
PUWEDE NAMANG P2M LANG ANG CONFI FUND TULAD NG KAY BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG, PERO CONFI FUND NI DAVAO CITY MAYOR BASTE DUTERTE, HIGIT KALAHATING MILYON, SHOCKING! -- Shocking ang ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na noong year 2023 ay P530 million o higit kalahating milyong piso ang naging confidential fund ni Davao City Mayor Baste Duterte at dahil diyan ay malamang na mas malaki pa riyan sa P530M ang naging confi fund ng alkalde last year (2024).
Sa totoo lang, puwede namang P2 million lang ang confi fund ng mga mayor tulad ng isinapubliko ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mayroon din siyang confi fund at ito ay P2 million at ayon sa kanya ay hindi niya ito hinahawakan, direkta itong napupunta sa kanilang police station bilang karagdagang pondo para sa peace and order ng lungsod, kaya’t marami talaga ang masa-shock sa napakalaking confi fund ni Mayor Baste Duterte, na tulad ng kanyang Ateng VP Sara ay hindi alam ng publiko kung saan nila dinadala, ginagastos at inuubos ang kanilang nakakalulang confi funds, period!
XXX
REELECTIONIST SEN. PIA CAYETANO, NA-BASH DAHIL SIYA ANG AUTHOR NG LEGALIZATION NG POGO, TAPOS NANG LUMABAS NA BAD PALA ITO, NAKIKIBATIKOS NA -- Pinutakti nang batikos si reelectionist Sen. Pia Cayetano sa kanyang statement na banta raw sa seguridad ng bansa ang bentahan ng Philippine citizenship sa mga dayuhan, lalo na sa mga Chinese na sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Maba-bash talaga siya kasi mantakin n’yo, siya ang author para gawing legal ang operasyon ng POGO sa ‘Pinas, tapos nang lumabas na bad pala itong POGO na kanyang isinabatas noong year 2021, porke reelectionist senator siya, ay nakikibatikos na rin siya sa POGO, pwe!
Comments