top of page
Search
BULGAR

Imbyerna sa utol na ayaw mag-resign sa trabaho

Dear Roma Amor - @Life & Style | August 24, 2020



Dear Roma,

Itago mo na lang ako sa pangalang Ash dahil avid fan ng BULGAR ang kapatid ko.


Sumulat ako sa 'yo, Roma, dahil naiinis ako sa kanya. Napaka-negative niya kasi sa buhay. Actually, lahat halos kaming mga kapatid niya ay naiinis sa kanya. Mahirap kasi siyang intindihin. Moody at palagi pang nakasigaw.


Nauunawaan kong maaaring dulot lang ng stress sa trabaho kaya siya ganu'n, lalo na ngayong MECQ dahil sa COVID-19 na working from home na siya at maliit lang ang sinusuweldo pero sana lang, 'wag niyang ibuhos sa aming mga kapatid niya ang stress niya. Lahat naman ng kumpanya ngayon, nagbawas ng suweldo at worst, nagbawas ng manggagawa.


Pinagre-resign na nga siya sa trabaho ng iba naming kapatid dahil sigurado namang marami ring kumpanya ang mapapasukan niya pero sa hindi namin maintindihang rason, ayaw niyang iwan ang trabaho niya.


Para sa akin, Roma, family first always kaya masakit na parang mas pinahahalagahan niya ang trabaho kaysa sa aming pamilya niya.


Mali ba ako kung makaramdam ako ng inis sa kanya, Roma? Mali ba ako na mag-demand akong 'wag niyang iparamdam sa amin ang stress niya? Mali ba kami na pag-resign-in siya sa trabaho niya gayung alam namin ang kakayahan niya?

– Ash


Ash,


Siguro, mabuting makausap mo muna nang masinsinan ang kapatid mo.


Kahit malawak ang sakop ng kanyang kakayahan, siguro hindi natin alam kung ano ang pakiramdam niya tuwing nagtatrabaho siya. Masaya ba siya roon o nakararamdam siya ng comfort sa araw-araw na ginagawa niya?


Ngayong panahon ng pandemya, kailangan natin ang isa’t isa at kung may maio-offer kang tulong, go na. ‘Wag niyo siyang i-pressure na iwanan ang kanyang trabaho at tanggapin mo rin na lahat ng tao ay may iba’t ibang prayoridad.


Kung napapansin mong moody siya, obserbahan mo muna siya. Mahirap din kasi na basta na lang tayo naiinis sa isang tao dahil sa ugaling naipakita niya nang ilang beses.

Imbes na patigilin siya sa trabaho, alamin mo kung paano siya matutulungan na mawala ang pagka-nega niya. Kaya n’yo ‘yan. Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page