top of page
Search
BULGAR

Imbestigasyon sa kamatayang dulot ng gluta drip, ihinirit

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 7, 2024




Ihinirit ang imbestigasyon ng Senado sa mga kamatayang may kaugnayan sa hindi otorisadong paggamit ng intravenous (IV) glutathione.


Inihain ni Senadora Nancy Binay ang panukalang Senate Resolution 952 kung saan binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa mas mahigpit na regulasyon upang maiwasan ang mga trahedyang dulot ng nasabing gawain.


Saad ni Binay sa resolusyon, "It is alarming that despite warnings given by the [Food and Drug Administration (FDA)] and the Department of Health that the use of injectable glutathione for beauty enhancement and skin treatment is unsafe and illegal, celebrities and public figures continue to endorse the same."


Iginiit din ng Senadora na obligasyon ng Senadong usisain ang mga hindi otorisadong paggamit ng IV upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.


Nagpaalala rin si Binay na nagbabala na si Health Secretary Ted Herbosa laban sa IV glutathione matapos maiulat ang isang babaeng namatay dahil sa glutathione at intravenous infusion ng stem cell mula sa isang klinika sa Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page