ni Angela Fernando - Trainee @News | November 24, 2023
Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Biyernes na kahit kasalukuyan pang sumasailalim sa pag-aaral ang pagpapapasok ng 'Pinas sa International Criminal Court (ICC) para sa pagsisiyasat sa kampanya laban sa droga sa ilalim ng administrasyong Duterte, ay ay may problema na agad ito.
"There is also a question, should we return under the fold of the ICC? So, that's again under study," dagdag niya.
Ayon sa Presidente, titignan pa nila ang mga posibilidad upang malaman kung ano ang mga hakbangin at opsiyon na puwedeng gawin.
Ito ay matapos maghain ng resolusyon kamakailan si Manila Representative Bienvenido "Benny" Abante Jr. sa administrasyong Marcos na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.
Parehas na resolusyon ang pinasa nina Makabayan bloc lawmakers France Castro ng ACT Teachers party-list, Arlene Brosas ng Gabriela party-list, at Raoul Manuel ng Kabataan party-list nu'ng Oktubre.
Nakasaad sa resolusyon na bagamat nag-withdraw na ang pamahalaan ng bansa sa ICC, nananatili ang Korte Suprema ng 'Pinas sa pagkilala sa hurisdiksyon ng ICC sa mga krimeng umaapak sa karapatang pantao na nangyari sa pamumuno ni Rodrigo Duterte.
Comments