top of page
Search
BULGAR

Imbes si Sen. Padilla, dapat si Sen. Bong Go, maging partner ni VP Sara

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 3, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

MAY MGA TRACK RECORD SI SEN. BONG GO SA HUSAY SA SERBISYO-PUBLIKO KAYA DAPAT MAGING BISE NI VP SARA, HINDI SI SEN. PADILLA -- Sa social media ay isinusulong ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) na si Sen. Robin Padilla ang gawing ka-tandem o vice presidential candidate ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa pagkandidato nitong presidente sa 2028 election. 


Aba teka, bakit si Sen. Padilla ang gusto ng mga DDS na maging ka-tandem ni VP Sara? 


Sa totoo lang, ang dapat nilang iendorsong maging VP candidate ni VP Sara sa eleksyon ay si Sen. Bong Go kasi kung track record sa serbisyo-publiko ang pag-uusapan ay maraming nagawa ito (Sen. Go) tulad ng Malasakit Center na naging susi upang maging free hospitalization na ang mga public hospital at Super Health Center para naman sa free laboratory, kumpara kay Sen. Padilla na wala pang nabalitang nagmarka sa isipan ng mamamayan na nagawa niya sa Senado para sa kapakanan ng sambayanang Pinoy, period!


XXX


PATUTSADAHAN NG MGA MAKA-MARCOS AT MAKA-DUTERTE -- Matapos manawagan si Sen. Ronald Dela Rosa sa mga retiradong sundalo at pulis, at manawagan din si Sen. Robin Padilla sa mga dating rebelde na mag-volunteer bodyguards kay VP Sara Duterte-Carpio dahil inalis ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ang 75 pulis na kabilang sa security escorts ng bise presidente, inanunsyo naman nina Justice Sec. Boying Remulla at Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon na 75 pulis lang naman daw ang tinanggal at hindi ang kabuuang 433 security escorts, kaya may natira pa raw na 358 bodyguards si VP Sara.


Hindi na talaga mabubuo uli ang UniTeam kasi ultimo mga maka-Marcos at maka-Duterte, nagpapatutsadahan na, boom!


XXX


HIRIT NI MANILA CONG. JOEL CHUA, HINDI HONEST SI HARRY ROQUE --Pinatutsadahan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua si former Presidential spokesman Harry Roque na bilang dating gov’t. official daw ay dapat maging honest ito at sabihin ang mga totoong nalalaman nito sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ‘Pinas.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Cong. Chua na hindi honest, liar si Roque, na pulos kasinungalingan ang mga pinagsasabi nito sa Senado, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page