ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 12, 2025
TUNAY NA ‘MR. MALASAKIT’ SI SEN. BONG GO DAHIL SA MGA SENADOR SIYA LANG ANG NAGPAKITA NG GANYAN SA MGA SSS MEMBER NANG MANAWAGAN NA SUSPENDIHIN ANG IMPLEMENTASYON NG SSS CONTRIBUTION HIKE -- Sa mga senador, maging sa mga reelectionist senator ay bukod tanging si Sen. Bong Go lang ang nakiisa sa panawagan ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan na suspendihin ang implementasyon ng 15% monthly butaw sa Social Security System (SSS) members, kasi nga raw hindi napapanahon na magdagdag ng monthly contributions sa kadahilanang sobrang taas ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa ‘Pinas.
Tamang-tama talaga ang bansag na “Mr. Malasakit” kay Sen. Bong Go kasi sa mga senador ay siya lang ang nagpapakita ng malasakit sa mga SSS member na tiyak magdurusa sa ubod laking butaw, period!
XXX
PINANINDIGAN NA NI DA SEC. LAUREL ANG UBOD NG MAHAL NA P58 PER KILO NG IMPORTED RICE -- Ibinida ni Sec. Francisco Tiu Laurel ng Dept. of Agriculture (DA) na lalagyan daw nila ng price cap na P58 per kilo ang mga imported rice para raw walang sinumang rice traders ang makapagdagdag sa presyo nito sa merkado.
Hay naku, imbes gumawa ng paraan si Sec. Laurel kung paano maibaba ang presyo ng bigas, eh ang ginawa pinanindigan na ang P58 per kilo nang palagyan niya ng ganyang price cap ang mga panindang imported rice sa mga pamilihan, pwe!
XXX
KAYA MARAMING NAGKATRABAHO DAHIL PANAHON NG HALALAN PERO AFTER NG ELECTION MILYUN-MILYON NA NAMAN ANG JOBLESS -- Hindi dapat ibinibida ng Malacanang na nadagdagan ang bilang ng mga nagkatrabaho sa bansa kasi iyang sinasabing mga nagkaroon ng trabaho ay ‘yung mga magtatrabaho bilang political leaders ng mga pulitiko ngayong panahon ng halalan.
Ang nais nating ipunto rito, hindi naman permanente ang mga trabahong iyan na ibig sabihin, pagkatapos ng eleksyon milyun-milyong Pinoy na naman ang jobless, boom!
XXX
MGA PULIS NA RARAKET NA BODYGUARDS NG MGA PULITIKO, DAPAT HINDI LANG SIBAKIN SA PUWESTO, KUNDI DAPAT TANGGALIN SA SERBISYO -- Nagbabala si PNP chief Gen. Rommel Marbil na sisibakin niya sa puwesto ang sinumang pulis na raraket bilang bodyguards ng mga pulitiko ngayong panahon ng halalan.
Aba teka, bakit sibak lang sa puwesto? Ang dapat ay sampahan ng kasong administratibo at tanggalin sa serbisyo, period!
Comments