top of page
Search
BULGAR

Imbes magsaya sa tagumpay sa Paris Olympics…AWAY NINA CARLOS AT MADIR, PINAGTSITSISMISAN NA RIN SA KONGRESO, SENADO AT M'CAÑANG

ni Ambet Nabus @Let's See | August 8, 2024


Showbiz photo
Photo: Carlos Yulo / IG - Angelica Yulo / FB

Kung dati ay mas lamang ang nakikisimpatya kay Carlos Yulo laban sa nanay nito, tila nagkaroon naman ng kakampi ang huli sa ginawang pag-clarify ng Olympics gold medalist sa gusot nilang mag-ina.


Maayos namang naisapubliko ni Caloy ang usapin gamit ang social media at narinig nga ng publiko ang side niya, pero ikina-turn-off ng higit na marami ang tila ‘sawang’ (phyton) presence ng GF niyang si Chloe San Jose sa tabi nito habang nagsasalita.


Marami ang nagsasabing mas lumabas sanang sincere at kapani-paniwala ang side ni Caloy pero dahil sa ipinakita nitong tila pagkampi o pagpanig sa girlfriend, lumabas tuloy na mas pinahahalagahan nito ang usaping-puso kesa sa pamilya.


Sa kabilang dako naman at sa pagpapa-presscon ng nanay nitong si Angelica Poquis, though humingi ito ng tawad sa anak sa mga nagawa at nasabi nito, tinitingnan pa rin ng maraming mga tao na ‘damage control’ lang ang kanyang ginagawa sa payo na rin marahil ng abogado nitong si Atty. Raymond Fortun, na kilala nating mahilig sa mga kasong sensational kumbaga.


Ang tingin pa rin ng lahat ay isyu pa rin ito ng mga benepisyong makukuha ni Carlos, in kind man o in cash.


Ito ngayon ang higit na pinag-uusapan kesa sa saya sanang dulot ng tagumpay ni Carlos sa Paris Olympics. Hindi lang sa sports o business o showbiz at social media, kundi maging sa mga opisina raw sa Congress, Senate at Malacañang. Pagpapatunay lang na mahilig talaga sa tsismis ang mga Pinoy, hahahaha!


 

Pupunta bukas (August 9) sa NBI Public Corruption Division Office si Atty. Maggie Garduque, ang legal counsel nina Jojo Nones at Dode Cruz, ang mga inireklamo ni Sandro Muhlach na GMA-7 independent contractors diumano na nang-harass sa kanya.


“Just to get the copy of the complaint and answer it accordingly,” sey ng celebrated lawyer na nagtataka kung bakit ang naturang division ng NBI ang humahawak ng kaso gayung hindi naman umano mga public officials ang kanyang mga kliyente.


Ayon pa sa abogada nina Nones at Cruz, walang intensiyon ang mga clients niya na takbuhan o lisanin ang bansa dahil meron umano itong mga sariling bersiyon ng isyu na bukod-tanging ang korte ang makakapag-analisa at susuri sa katotohanan.


Therefore, labanan nga raw ito ng mga salita, ebidensiya at mga teknikalidad dahil mayroong mga na-violate na usapin sa sinasabing ‘rape' o 'sexual harassment' o 'molestation’ item na pinag-uusapan.


 

Handang-handa na ang Sparkle artists para sa Sparkle World Tour simula ngayong August hanggang September. 


Isa ito sa biggest offerings this 2024 ng Sparkle GMA Artist Center upang maabot ang international audiences.


Ready nang makisaya sa Global Pinoys sina Alden Richards, Isko Moreno, Boobay, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, at Ai Ai delas Alas para sa first show na gaganapin sa August 9, 2024, at the City National Grove of Anaheim, California.


Paniguradong excited na ang mga Kapuso fans dahil makakasama na nila ang paborito nilang Sparkle artists.



0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page