top of page
Search
BULGAR

Imbes madir, siya ang nag-pin nang ma-promote ang BF… JULIA, ASTANG MISIS NA NI GERALD

ni Ambet Nabus @Let's See | Nov. 28, 2024



Photo: Julia at Gerald - Instagram


Naikuwento sa amin ng isang kaibigan ni Gerald Anderson na meron palang matatawag na "informal agreement' ang aktor sa kanyang GF na si Julia Barretto patungkol sa immediate family members ng aktres.


At dahil tila lumalabas na naman si Dennis Padilla airing the same old issue niya sa mga anak, napipilitan tuloy magpakita si Ge ng kanyang pagdistansiya.


"Not for anything po, as much as possible talaga, hindi natin mapipilit magsalita si Ge sa ganyang usapin kahit pa nga mukhang may provocation ang ilang panig na kesyo under ito ni Julia o natatakot itong hiwalayan. Wala pong ganu'n, marespeto lang talaga si Ge sa unwritten kumbaga na 'deal' niya with Juls pagdating sa ganyan," pahayag ng naturang kaibigan ni Gerald.


Kapansin-pansin nga naman talaga na tuwing may ipino-promote na project si Julia o kahit si Dennis, lagi na lang nauungkat ang isyung ito.


Kung tutuusin, at base sa trailer ng Hold Me Close movie na siyang entry ng Viva Films sa 50th anniversary ng MMFF, mapapanood ang ganda, husay at epektibong pagganap ni Julia.


 

Speaking of Julia, hindi nga niya gaanong ikinuwento ang pagiging tila "maybahay" niya kay Gerald nu'ng ma-promote ang huli sa Philippine Coast Guard.


Si Julia kasi ang naging representative sa "pinning" ceremony ng promotion ni Ge from being a PCGA (Phil. Coast Guard Auxiliary) to Auxiliary Captain.


Enough na raw na ginampanan niya ang papel ng isang supportive and proud GF lalo pa't isa nga si Gerald sa very consistent na mga volunteer-officers lalo na kapag may mga sakuna, bagyo at kalamidad.


Wala namang naging isyu sa immediate family ni Gerald kung si Julia man ang nag-pin ng promotion ng BF, dahil bukod sa proud mommy ni Ge na si Tita Vangie, tanggap ng lahat ng kapamilya ng aktor si Julia.


'Yan ang tunay na may "Hold Me Close," hahaha!


 

UY, sobra naman talaga at dapat papurihan ang University of Sto. Tomas sa pamumuno ni Very Rev. Fr. Richard G. Ang, ang current rector magnificus ng naturang institution.


Mayroon kasing retrospective event ang ilan sa mga classic movies ng Star for All Seasons Vilma Santos ngayong Nov. 27 at 29.


Kaugnay pa nga rin ito sa pagbibigay nila ng honor, distinction at prestige sa mga likhang sining na pinagbibidahan ni Vilma Santos at ang kontribusyon nito sa lipunan at sa academe.


Ang ilan nga sa classic movies na ipinalabas at naging focal point ng pagdiriwang at pag-aanalisa rito ng mga UST students at ilang members of the media via a talkback with their filmmakers and Ate Vi mismo included Tagos ng Dugo; Ekstra; Bata, Bata, Paano Ka Ginawa; at Dekada '70.


Ang event na may title na Vilma Santos: Woman, Artist, Icon a Retrospective ay isang bahagi lamang ng pagdiriwang lalo't very soon ay pamamahalaan din ng UST Publishing ang paglimbag ng mga libro tungkol kay Ate Vi at sa kanyang naging karera sa anim na dekada and counting, at iba pang hindi nalalaman ng publiko o sambayanang Pilipino.


Nakakaloka, pero ganyan pa rin nga ka-relevant, ka-significant, at kaimportante ang isang Vilma Santos sa loob at labas ng showbiz. 


Isang katangian na sa kanyang edad at stature ay hindi na talaga mapapantayan ninuman, with all due respect sa iba pang nag-reyna sa showbiz.


Ang patuloy na pagbibigay-respeto at pagpapahalaga sa kanyang mga naiambag sa kultura at lipunan at ngayon ay sa akademya, ay katangian nga ng isang Star for All Seasons, laging nasa panahon at nasa tamang pagkakataon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page