top of page
Search
BULGAR

Imbes diretsahin, idinaan sa socmed… HIRIT NI LIZA: PAGTANGGAL SA AKIN SA MMFF, 'DI TAMA!

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 10, 2020



Personal at ‘di basta trabaho lang para sa dating aktres at beauty queen na si Liza Diño ang pagiging chairperson niya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). ‘Yan ang dahilan kung bakit naging emosyonal siya sa kanyang interview sa TV Patrol kamakailan.


“Siguro, by now, alam na ninyong lahat, talagang hindi lang naman siya basta trabaho itong ginagawa ko, ‘di ba? Siguro, ‘pag dumating ‘yung panahon na trabaho na lang ‘to, baka hindi na ako nasa FDCP. So, there’s a big part of me, you know, this is really a personal endeavor. Talagang ‘yung commitment ko and sincerity sa industry, talagang I really want to create impact for change,” pahayag ni Chair Liza sa aming exclusive interview sa kanya ni Ateng Janiz Navida (Bulgar’s Entertainment editor) sa online show on Bulgar’s Facebook page, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na! last Saturday (Aug. 8).


This is maybe the reason kaya minsan daw ay nami-misunderstood siya ng iba.

“Kasi parang alam naman natin ‘yung mga kailangang ayusin sa industry natin. We have an industry that’s so divided. Ang dami pa nating mga sistema na hindi pa natin, hindi natin nai-institute sa iba’t ibang aspeto ‘no, ng industriya.”


In a way, nasaktan si Chair Liza ‘di dahil sa tinanggal siya as one of the members ng Metro Manila Film Festival Executive Committee dahil naiintindihan niya raw na prerogative 'yun ng chairman ng MMDA na may hawak ng festival. Ang ‘di tama para sa kanya ay ang manner ng pagpapaalam ng pagkakatanggal sa kanya.


“Nu’ng na-receive ko ‘yun, ‘yung letter na ‘yun, nasa public pa. Parang bakit kailangang sa social media? Kasi, meron kaming mga meetings, meron kaming mga… members sila ng FDCP. Council member namin sila, ‘di ba? May e-mail. Puwede silang mag-e-mail nang maayos or dalhin nila nang maayos na hindi kailangang ibalandra sa social media. So, in that aspect, uh, sa akin, hindi tama ‘yung ganu'n. Kasi mga government agencies kami. Hindi kami dapat ganyan,” lahad ni Chair Liza.


Isa pang isyu na pinalagan ni Chair Liza ay ang pagbibigay ng maling impormasyon laban sa kanya na nadadamay pati ang government agency na pinamumunuan niya.


Kaugnay ito ng inilabas na impormasyon ng MMDA spokesperson na si Celine Pialago sa Facebook na diumano, gustong ilipat ni Liza ang pamumuno sa MMFF mula sa MMDA patungong FDCP, gayung ayon kay Chair Liza, taong 2017 pa nu'ng i-propose niya ang tungkol dito, pero bakit ngayon lang inilabas ang proposal letter?


“Huwag tayong magbigay ng akusasyon nang walang basehan. Kasi, ‘yung ginamit nilang dokumento, (year) 2017, position paper ‘yun na napag-usapan na. Nagkaroon kami ng pormal na diskusyon tungkol doon. Uh, kahit na ‘yung ipinasa ng FDCP na position paper in 2017, dumaan ‘yun sa Malacañang, dumaan siya sa Office of the Executive Secretary, ibinaba siya sa iba’t ibang mga ahensiya para makomentuhan. At nagkaroon ng pormal na meeting para pag-usapan ‘yun. So, hindi rin siya parang secret na, ‘O, may ginagawa ang FDCP.’ No, never kaming ganyan,” sabay iling niya.


As of this writing, wala pa raw chance para makapag-usap at humingi sa kanya ng paumanhin ang pamunuan ng MMDA after niyang klaruhin ang mga ibinatong akusasyon sa kanya.


“Basta kami, basta makakatulong kami sa industry, that we can be of help, nand’yan kami. Ako, no hard feelings in the sense na inirerespeto ko talaga ‘yung desisyon nila. Pero sa akin, you know, naapektuhan ‘yung pangalan ng FDCP. ‘Yung reputasyon namin bilang isang government agency na wala kaming kinalaman, iba ‘yung priorities namin, tapos, biglang darating ‘yung ganitong kontrobersiya. So, in this time of pandemic, is it necessary? Is it necessary for us to be fighting over a festival?”


Dagdag pa niya, “So, definitely on our end, wala kaming ganu'n. So, sa akin, sana, you know, let’s fix our own priorities. And if there are questions, pag-usapan natin nang mas maayos. Huwag na tayong magdaragdag sa mga nangyayari ngayon.”

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page