top of page
Search
BULGAR

Imbensiyon at mga bagong ideya ng mga malikhaing Pinoy, kering-keri makatulong upang mapaangat ang

ni Imee Marcos - @Buking | June 17, 2020


Ang mga Pinoy ay likas na malikhain, malikot ang isip at mapagtuklas. Marami rin sa mga Pinoy ang imbentor at kayang makaisip ng mga bagong ideya kaya for sure, keri nilang maibangon ang ating ekonomiya mula sa pananalasa ng COVID-19.

Kaya naman, mga beshy, mega push ako sa aking Senate bill 411 para ma-develop, maprotektahan at maging commercialized ang original Pinoy content, gayundin ay itinutulak ko ang pagbuo ng Creative Industries Development Council na magbibigay ng exclusive rights para sa intellectual property hindi lang ng mga artist na Pinoy kundi maging ng mga Pinoy scientist, mga imbentor at iba pang creative nating mga kababayan.

FYI, binubuo ang creative industries ng advertising and marketing; animation at game development; architecture at interior design; broadcast arts pati ang pelikula, television, radio, at photography; information technology, software at computer services; publishing; museums, galleries, at mga library; heritage crafts at mga aktibidad kabilang ang gastronomy; music at performing arts; visual arts; product, graphic, at fashion design.

Super dami, ‘di ba? Mapapakibangan natin lahat ‘yan sa pagbangon ng ating ekonomiya. Kaya naman, hindi dapat dedma lang tayo sa mga Pinoy na patok sa ganyang industriya, lalo na ang ating mga economic managers at sa halip, suportahan natin sila. 

Eh, kung wala pa kayong senior moment, take note, ha, Pinoy ang nakaimbento ng sasakyan na tubig ang magpapatakbo, gayundin ang purifier para sa polluted water. Bongga, ‘di vah?

Pero ‘yun lang, walang suporta mula sa ating mga nasa gobyerno, kaya hindi nag-prosper. Eh, kung binigyan natin sila ng oras at pondo, baka naman isa na tayo sa mga yumayamang bansa hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo? Hay nako, super sayang! ‘Kalerki! Anyways, marami pang chance mga besh!

Kaya ‘wag na patumpik-tumpik pa mga seestra, suportahan natin ang mga creative na Pinoy, sa sipag at tiyaga nila sa trabaho. Kering-keri nilang makatulong na mapaangat ang ating ekonomiya, kailangan lang magtiwala tayo sa kanila at sa isa’t isa! Ganu’n ‘yun!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page