top of page
Search
BULGAR

Illegal Dismissal, pwede pang ihain sa loob ng 4 na taon

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 3, 2023


Dear Chief Acosta,

Ako ay ilegal na natanggal sa trabaho noong taong 2021. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nagsasampa ng reklamo tungkol dito dahil kailangan kong magtrabaho para matustusan ang mga pangangailangan ng aking pamilya. Magiging isyu ba ang pagkaantala sa pagsasampa ng reklamo para sa aking ilegal na pagkakatanggal? - Joeb

Dear Joeb,

Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay na ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “NS Transport Services, Inc. vs. Jose Zaldy N. Zeta” (G.R. No. 158499, 4 April 2007), na isinulat ni Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Maria Alicia Austria-Martinez, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

“Anent the nine-month “delay” in filing the Complaint, we find this an insignificant factor. Just recently, in Angeles v. Fernandez, we held that the fact that the filing of the complaint by the employee 20 months after dismissal is a non-issue, thus:

Worth stressing, we find sufficient reason to agree with the appellate court that petitioner failed in this case to prove that respondent abandoned her job. While respondent filed the complaint 20 months after her dismissal, such filing was well within the four-year prescriptive period allowed to institute an action for illegal dismissal. This Court had previously considered a non-issue the lapse of several months, e.g. eight months, nine months, and two years and five months before filing a complaint for illegal dismissal.”

Ayon sa iyong salaysay, kayo ay ilegal na tinanggal sa trabaho noong taong 2021 at hanggang ngayon ay hindi ka pa nagsasampa ng reklamo tungkol dito. Samakatuwid, maaari kang magsampa ng reklamo sa loob ng 4 na taon mula noon o hanggang taong 2025.


Batay sa nabanggit na desisyon, ang pagkaantala sa pagsasampa ng reklamo ay hindi magiging isyu hangga’t ito ay nasa loob ng 4 na taon mula nang mangyari ang ilegal na pagtatanggal.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page