top of page
Search
BULGAR

Ilegal na droga, sumasabay pa sa pagkalat ng COVID

@Editorial | June 17, 2021



Sa gitna ng kinahaharap pa ring pandemya dulot ng COVID-19, kapansin-pansing talamak na naman ang ilegal na droga.


Kamakailan lang nang makakumpiska ng mahigit P1 bilyong halaga ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Cavite at Parañaque City. Bukod pa rito ang milyun-milyong nauna nang nasabat sa iba’t ibang lugar sa bansa. Halos araw-araw ding may nahuhuling tulak sa gilid-gilid at may mga naaaktuhang gumagamit.


Pati delivery riders, nagagamit din sa kalakaran, ang masaklap ay maging ang iba sa kanila ay ginagawa na ring sideline ang pagtutulak.


Sa nabanggit na P1 bilyong shabu, dalawang bigtime Chinese drug traffickers ang naaresto. Kaugnay nito, nagbaba ng direktiba ang Philippine National Police (PNP) sa PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) na makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para hilingin ang pag-apruba ng korte sa agarang pagwasak sa nasabing ilegal na droga.


Dapat lang na sirain agad ang mga nakukumpiskang droga upang maalis ang duda ng taumbayan na nare-recycle lang ang mga ito. Matatandaang, mismong mga pulis ang nasasangkot sa ganitong gawain na binabansagang ‘ninja cops’.


Nakapanlulumo dahil sa kabila ng pandemya, wala pa ring patawad ang mga nagpapakalat ng ilegal na droga na sumisira sa buhay ng marami. Habang tumataas ang bilang ng nagkaka-COVID, ganundin ang mga insidente na may kinalaman sa pagtutulak at paggamit ng drugs.


Kaya malaking hamon ito sa mga awtoridad, ito ang virus na hindi mamatay-matay, sa halip lalo pang kumakalat at matindi kung mangwasak.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page