ni Lolet Abania | December 16, 2020
Inatasan ni Mayor Isko Moreno ang kapulisan at health officials sa Maynila na mag-imbestiga kung may nagaganap na ilegal na aktibidad ng COVID-19 vaccination sa Binondo.
Sa inilabas na memorandum para kina Dr. Arnold Pangan, acting city health officer; Levi Facundo, officer-in-charge ng Bureau of Permits; at Police Brig. Gen. Leo Francisco, director ng Manila Police District, iniutos ni Moreno na i-report agad ang diumano’y hindi awtorisadong COVID-19 vaccination na nangyayari sa naturang lugar.
"If true, this is definitely unauthorized since the undersigned has not ordered the same nor is he aware or informed that any national government agency will already conduct the said activity," sabi ni Moreno.
"Moreover, the national government has not yet approved any form of COVID-19 vaccination," dagdag ng alkalde. Ayon pa kay Moreno, posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga mamamayan ang pagsasagawa ng walang pahintulot na pagbabakuna.
Nagbigay din si Moreno ng direktiba sa mga local officials na agad isumite ang kanilang imbestigasyon sa loob ng 48 oras upang masampahan ng kasong kriminal ang mga sangkot sa ilegal na aktibidad na ito.
Comments