top of page
Search
BULGAR

Ilang percent kaya ng P6.352 T ang magiging ‘PORK’ ng mga sen. at cong.?

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Sep. 24, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SA P6.352 T BUDGET NEXT YEAR, ILANG PERCENT KAYA ANG MAGIGING PORK BARREL NG MGA SEN. AT CONG. -- Inanunsiyo ni Speaker Martin Romualdez na bukas (Sept. 25) ay aaprubahan na raw ng Kamara ang P6.352 trillion national budget ng Marcos administration para sa year 2025.


Eh ang tanong: Ilang percent kaya sa P6.352 trillion national budget na iyan ang magiging pork barrel ng mga senador at kongresista? Abangan!


XXX


KAPAG NALALAPIT ANG ELEKSYON KUNG ANU-ANONG PROMISE NG MGA PULITIKO PERO KAPAG NALUKLOK NA, ‘YUNG PANGAKO, NAPAKO NA -- Ilang kongresista ang nagsulong na bigyan ng Christmas bonus at free legal assistance ang mga barangay tanod dahil daw sa mahalagang papel na ginagampanan nila tungkol sa peace and order sa mga nasasakupan nilang barangay.


Ganyan talaga ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas, na kapag nalalapit ang eleksyon ay kung anu-ano ang ipinangangako sa mga tauhan ng barangay, na ‘ika nga, need kasi nila ng boto, pero kapag mga naluklok na, ‘yung pangako, napako na, boom!


XXX


MALAPIT NANG MAHUBARAN NG MASKARA ANG EX-PNP CHIEF NA PROTEKTOR NG POGO AT NI ALICE GUO -- Nagsanib-puwersa na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Pagcor para malaman kung sino ang former PNP chief na may payola sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) at tumulong sa pagtakas palabas ng bansa ni former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.


Ibig sabihin niyan, malapit-lapit nang malaman ng publiko at mahubaran ng maskara ang former PNP chief na protektor ng POGO at ni Alice Guo, period!


XXX


SANA ANG BAGONG HEAD NG ERC HINDI TULAD NG DATING CHAIRMAN NG AHENSYA NA APRUB NANG APRUB SA HIRIT NA OIL PRICE HIKE NG MGA OIL COMPANY -- Itinalaga ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) si Atty. Jesse Andres bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Energy Regulatory Commission (ERC) bilang kapalit ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na sinuspinde ng Ombudsman.


Ngayong may bagong head na ang ERC, sana naman hindi ito katulad ni Dimalanta na kapag humirit ng oil price hike ang mga oil company ay aprub nang aprub, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page