top of page
Search
BULGAR

Ilang negosyo sa Bulacan, naghahanda na sa pagpapatupad ng Alert Level 3

ni Jasmin Joy Evangelista | January 4, 2022



Naghahanda na ang ilang negosyo sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Bulacan simula bukas.


Dismayado ang ilan sa paghihigpit pero pabor ang marami para bumaba muli ang kaso ng COVID-19 at mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant.


“Ang hirap, kasi ngayon pa lang kami nakakabawi tapos balik na naman sa paghihigpit. Ang pangit ng simula ng taon sa’min,” ani Pau Reyes, carenderia owner.


Isasailalim sa Alert Level 3 ang Bulacan kabilang ang Cavite at Rizal dahil sa muling pagsipa ng bilang ng kaso COVID-19 at sa posibilidad na pagkalat ng Omicron variant.


Sa ilalim nito, 30% lamang ang total capacity na papayagan sa mga indoor recreational venues ay 50% kung outdoor.


Pahayag naman ni Jerome Gonzales, isang business owner, muli na naman silang magtitipid upang hindi maging malaki ang epekto ng alert level 3 sa kanilang negosyo.


“Magbabawas ng gamit sa kuryente saka bawas-tauhan muna ulit. Wala, eh, no choice naman kundi sumunod kaya gawa na lang kami ng paraan para ‘di malugi.”


Sa ngayon ay wala pang inilalabas na guidelines ang pamahalaang lalawigan ng Bulacan hinggil sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa lugar.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page