top of page
Search
BULGAR

Ilang lugar sa Metro Manila, mawawalan ng tubig

ni Thea Janica Teh | October 29, 2020



Makararanas ng water interruption ang ilang lugar sa Metro Manila kabilang ang Pasig, Taguig at Makati ngayong Huwebes upang maisagawa ng Manila Water ang kanilang maintenance activity.


Ilan sa mga gagawin ng Manila Water ay pipe maintenance at pressure reducing valve (PRV) installation sa AV Cruz Cor. Elisco Road, PAE at Bagong Tanyag Street sa Taguig.


Mawawalan ng tubig mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw ng Biyernes ang Barangay Ibayo-Tipas, Central Bicutan at Tanyag.


Samantala, mawawalan din o hihina ang supply ng tubig sa ilang barangay sa Pasig kabilang ang Barangay Kalawaan mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw ng Biyernes upang maisagawa ang pagpapalit ng line meter.


Mawawalan din ng tubig ang Barangay Pembo sa Makati mamayang alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling-araw ng Biyernes.


Kaya naman pinaalalahanan ng Manila Water ang lahat ng mga residenteng naninirahan sa mga nabanggit na lugar na mag-imbak na bago ang itinakdang oras na mawawalan ng tubig upang may magamit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page