ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 9, 2021
Isinailalim sa localized lockdown ang ilang lugar sa Manila at Quezon City dahil sa patuloy na paglala ng kaso ng COVID-19.
Nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang executive order kung saan nakasaad na isasailalim sa strict lockdown ang 2 barangay at 2 establisimyento simula sa March 11, alas-12:01 AM hanggang March 14, alas-11:59 PM.
Ayon kay Moreno, ang mga sumusunod na lugar ang ila-lockdown:
Barangay 725 na mayroong 14 active cases;
Barangay 351 San Lazaro, Tayuman, na mayroong 12 cases;
Barangay 699, Malate Bayview Hotel Mansion; at
Barangay 699, Hop Inn Hotel
Mahigpit na ipagbabawal ang paglabas ng mga residente sa mga naturang barangay.
Samantala, exempted sa naturang lockdown ang mga health workers, police at military personnel; government employees; service workers (pharmacies, drug stores, at death care service establishments), barangay officials; at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force.
Ayon din kay Moreno, nakapagtala ang Manila Health Department ng 154 new active cases at ang total number ng mga aktibong kaso ay 988.
Samantala, sa Quezon City, ayon sa lokal na pamahalaan, 12 na lugar sa 11 barangays ang isinailalim sa special concern lockdown sa loob ng 14 araw at ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Ilang lugar sa Durian Street, Barangay Pasong Tamo simula noong February 25;
L. Pascual Street, Barangay Baesa simula noong February 26;
De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Barangay San Agustin simula noong March 1;
No. 46 K-9th Street, Barangay West Kamias expanded to No. 46-50, K-9th Street, Barangay West Kamias simula noong March 3 at 8;
49 & 51 E Rodriguez Sr. Ave., Barangay Doña Josefa simula noong March 4;
Paul Street at Thaddeus Street, Jordan Park Homes Subdivision, Doña Carmen, Barangay Commonwealth simula noong March 4;
No. 237 Apo Street, Barangay Maharlika simula noong March 4;
No. 64 14th Avenue, Barangay Socorro simula noong March 6;
No. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon simula noong March 7;
No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato simula noong March 8;
No. 2A – 4 K-6th, Barangay West Kamias simula noong March 8; at
Portion of Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia simula ngayong araw, March 9.
Saad pa ng QC local government, “Mamamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.”
Comments