top of page
Search

Ilang ebidensya sa kaso ng ill-gotten wealth, pinayagan ng Sandiganbayan

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 30, 2023




Pinayagan ng Sandiganbayan ang hiling ng mga prosecutor ng pamahalaan na isama ang ilang mga dokumento bilang ebidensya sa kaso ng P.2.4-bilyong ill-gotten wealth na nakadikit sa pangalan ng yumaong Pangulo Ferdinand Marcos, kanyang asawa Imelda, at higit sa 40 nilang kaalyado.


Ayon sa anti-graft ang 15 na parte ng dokumentaryong ebidensya ay sumusunod sa Section 5, Rule 130 ng Rules of Evidence, sa isang resolusyon nu'ng Disyembre 11 sa Civil Case 0010.


Ang nasabing kayamanan ay ang mga lupaing pag-aari ng Bataan Shipyard and Engineering Company, Inc., at ng mga sangay na Philippine Dockyard Corporation at BASECO Drydock & Construction Co., Inc.


Kabilang ang ilan dito sa mga ebidensyang tinanggap ng Sandiganbayan: 


  • Affidavit


  • Blankong abiso ng waiver


  • Mga liham na may kinalaman sa BASECO Corporate Secretary, Romualdez, kasama ang iba pang indibidwal


  • Inventory ng mga ari-arian ng BASECO na may pamagat at kontrata sa NASSCO, EPZA, at Government Service Insurance System


  • Teknikal na deskripsyon ng mga ari-arian, sertipikasyon ng Batangas Provincial Assessor


  • Kasulatan ng paglipat


  • Mga memo


  • Memorandum report, at iba pa.


Tinanggihan ng Sandiganbayan nu'ng Nobyembre 2022 ang akbang ng gobyerno na ideklara ang pitong mga akusado sa Civil Case 0010 na nasa default o nag-waive ng kanilang karapatan na makilahok sa paglilitis.


Sa nasabing pasya ng anti-graft court nu'ng Nobyembre, sinabi dito na hindi tagumpay ang gobyerno na ipaalam sa lahat ng pitong akusado at bigyan sila ng kopya ng kanyang mosyon para sa deklarasyon ng default kaugnay ng Civil Case 0010.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page