top of page
Search
BULGAR

Ilang dahilan sa pagsakit ng ‘balls’ ng mga lalaki

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 23, 2020





Dear Doc. Shane,


Napansin ko na tila lumalaki ang aking bayag at sumasakit ito. Bakit kaya ganu’n? – Andrei


Sagot


Ang paglaki ng bayag ng lalaki ay maraming puwedeng dahilan at kinakailangang magpasuri sa surgeon o iba pang doktor upang matukoy kung ano ba ito.


Narito ang ilan sa mga posibilidad:


Una, maaaring dahil sa luslos. Ang luslos o hernia ay kondisyon kung saan hindi kumpleto ang pagkakahiwalay ng bayag sa loob ng tiyan, kaya maaaring lumuslos ang bahagi ng bituka sa bayag. Ito ay puwedeng magdulot ng paglaki ng bayag at pagkirot. Sa luslos, kalimitan ay hindi pantay ang paglaki ng bayag (halimbawa, mas malaki sa kanan kaysa sa kaliwa). Ang pagkakaroon ng luslos ay nakukuha sa pagkabata pa lang ngunit, ito ay maaaring sumumpong dahil sa pagbubuhat ng mabigat, pag-ubo nang malakas, pag-iri o bumibigat ang timbang. Ito ay puwedeng kusang mawala at muling bumalik.


Maaari ring imbes na sa bahagi ng bituka ay ang pagkakaroon ng labis na tubig. Ito naman ay tinatawag na hydrocoele at may iba’t ibang puwedeng maging sanhi nito tulad ng pagkakabundol ng bayag sa aksidente o impeksiyon. Bukod dito, ang pagkakaroon ng tumor sa bayag ay isa ring posibilidad ng kanser, ngunit luslos ang isa sa pinakaraniwang sanhi ng mga sintomas na iyong nabanggit.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page