top of page
Search

ILANG BOARD MEMBERS NG MTRCB, CLOSE SA PAMILYA SOTTO

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | October 01, 2023



Mukhang hindi nga magpapatinag sa mga panawagang mag-resign si MTRCB Chair Lala Sotto.


Sa napanood naming pagdalo nito sa Senate hearing kasama ang ilang opisyal ng MTRCB, sinabi nitong hindi niya bibigyan ng kasiyahan ang mga 'nananawagan' sa kanyang resignasyon dahil maayos niyang ginagawa ang kanyang tungkulin.


Na ang pag-inhibit niya sa mga usapin ukol sa noontime shows at ipaubaya ito sa 30-Board members ng ahensiya ay tila sagot na niya sa isyu ng delicadeza at transparency.


Hindi nga lang naging masusi ang pagtatanong sa kanila ng Senado sa usapin ng "sense of urgency" pagdating sa programang It's Showtime kumpara sa ibang shows partikular ang E.A.T. na may mga agaran din namang 'violations' na nagagawa as per their agency's rules?


Medyo naloka pa nga kami sa naging tugon nu'ng isang lawyer-board member na kesyo hindi pa umaabot sa kanila ang reklamo o wala pa sa pormal nilang procedural process ang mga kaugnay ding reklamo mula sa pagmumura ni Wally Bayola, ang paghalik ni Tito Sotto sa asawa nito, hanggang sa lubid joke ni Joey de Leon.


At ano kaya ang masasabi ng MTRCB sa panawagan naman ng mga tao na kung may transparency umano sa ahensiya nila ay bakit hindi nito ipakilala o ipaalam sa madla ang sinasabing 27-members (out of 30) na nag-deny sa Motion for Reconsideration na inihain ng It's Showtime?


May mga nag-aakusa kasing ang karamihan umano sa mga nasa Board ay may direkta o indirektang kaugnayan sa Sotto family o E.A.T.?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page