top of page
Search
BULGAR

Ilabas ang pondo para masaklolohan ang mga health workers

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 07, 2021



Over-to-the-max na ang penitensiya ng mga healthcare workers. Buwis-buhay na nga, ‘di pa sapat ang suweldo, kulang sa benepisyo at kapos na rin sila sa mga kasamahang makakatuwang sa giyera sa pandemya.


Aba, sa araw-araw ba naman na lumulobo ang numero ng tinatamaan ng COVID-19, juicekoday pumalo na nga sa halos kinse mil sa isang araw. Natataranta na ang healthcare workers, halos hindi malaman kung sinong pasyente ang uunahing asikasuhin. ‘Kalokah!


Hindi lang ‘yun, wala na talagang mapaglagyan ng mga COVID-19 patients, halos lahat ng ospital nasa waiting list na, mayaman o mahirap, wala nang mga kuwarto, ang iba ay sa mga improvised tent na inilalagay at mas marami na ang naka-home quarantine.


Kaya naman, mega-daing na ang ating mga health care workers, over-fatigue na sila, pero wala silang karapatang magpahinga, tila talagang aktuwal na giyera na anytime ay matutumba na lang sa pagod at exposed pa nga sa nakamamatay na sakit.


Sa tindi ng penitensiya ng ating frontliners, hindi na sila nakatiis at nagmamakaawa na silang dagdagan pa ang kanilang bilang at tapatan nang maayos na suweldo at benepisyo ang buwis-buhay nilang trabaho.


Sa totoo lang may IMEEsolusyon sa kanilang problema, may emergency fund na mahuhugot sa ating gobyerno. Kinakailangan lang na mailabas na agad-agad ang Php13 bilyon mula sa General Appropriations Act na 2021 Contingent Fund sa ilalim ng Office of the President.


Puwede ring hugutin ang Php20 bilyong calamity fund o National Disaster Risk Reduction and Management Fund. ‘Di ba?! Tutuldukan niyan ang kapos na health care workers, health care facilities, kapos na suweldo at benepisyo sa health care workers o frontliners!


Tayo pang mga Pinoy, lahat ng problema ay may IMEEsolusyon, basta nagtutulungan, kering-keri natin tapatan ng bayanihan ang giyera kontra sa pandemya! Gora na, ilabas na ang pondo!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page