top of page
Search
BULGAR

Ikinalat na si Pulong at ang INC ang 'utak' sa pagpapasara…

SHARON, LALONG IPINAHAMAK ANG ABS-CBN KAYA TINULUYAN?



ni Julie Bonifacio - @Winner | July 15, 2020




Naglabas ng kanyang pananaw ang komedyante-TV host na si Arnell Ignacio sa dapat daw sanang naging "galawan" ng mga ehekutibo ng ABS-CBN sa mga mambabatas para nakuha nila ang minimithing prangkisa sa Kongreso.


Kilalang member ng DDS o tagapagtanggol ni Pres. Rodrigo Duterte si Arnelli. At the same time, may programa rin siya sa radio station ng ABS-CBN, ang DZMM na Labor of Love bago pa man naipasara ang Kapamilya Network.


"Ayan, eh, di nawalan ako ng trabaho. Hahaha! Ang laki pa naman ng talent fee ko roon," sabay tawa ulit ni Arnell.


Eksklusibo naming nakapanayam ni Ateng Janiz Navida (Bulgar's Entertainment editor) sa online show ng Bulgar na #CelebrityBTS Bulgaran Na si Arnell last Saturday.


"Gusto ko lang pangunahan 'yung mga nakikinig (at nanonood), hindi ako nagbubunyi na pareho ng mga napapanood natin na… you know. Hindi ganu'n ang nararamdaman ko.

Pero, gusto ko lamang liwanagin na hindi ito tungkol sa ako ay pro-government at ako ay kontra sa ABS. Hindi siya tungkol sa ganu'n," pauna na ni Arnell.


Naniniwala si Arnelli na puwede raw sanang nakuha ng ABS-CBN ang hinihingi nilang prangkisa sa Kongreso.


"Alam mo, sa naging karanasan ko with government, ano kasi, ang nangyari rito sa paghingi ng franchise na ito, nakalimutan na nila na ang kausap nila ay gobyerno. And 'yung style na ginamit, eh, hindi nila naririnig 'yung sinabi ng mga kongresista na, 'Paano ba ito?' 'Di ba?


"Ilang beses nating narinig na sinasabi ni Cong. Marcoleta na ang prangkisa ay isang pribilehiyo. Hindi ito karapatan. Hinihingi mo lang. Hindi ito demandable, right?" sabi ni Arnell.


May mga nagsasabi na halata naman na tanging ABS-CBN lang ang ayaw bigyan ng bagong prangkisa ng mga mambabatas, kaya kahit ano pa ang gawing measures ng ABS-CBN, 'di pa rin sila bibigyan ng prangkisa ng Kongreso.


"Alam mo kasi ang nangyari sa atin, binusisi lang. 'Wala naman kaming mali, eh. So, dapat kaming bigyan.' Eh, hindi ganu'n ang equation niyan, eh. Alam mo ba, kunyari, hindi lang nila trip na hindi kayo bigyan, they can do that.


"Because, it's only Congress ang may karapatan, ang may power na ibigay ang franchise na 'yan, not the Senate, not even the President. So, to simplify the equation, ikaw ang manliligaw. Aaralin mo kung paano ang paraan, kung paano maipapaliwanag sa kanila ang, 'Bigay mo sa amin ang aming hinihiling at nangangako kami na magiging maayos at matutupad namin ang lahat ng mga nakaakibat na requirements dito.'


"Eh, hindi 'yun ang nakita natin, eh. Pero kung napansin mo sila, 'yung mga lawyers, nakipagdebate, eh, hindi naman 'to korte, eh. Ang kailangan mo ay makumbinse sila na ibigay sa 'yo ang hinihingi mo, 'di ba?"


Tinanong ni Ateng Janiz si Arnell kung sa palagay ba niya ay may nilabag na batas ang ABS-CBN.


"Eh, ano nga, paano nga kung tinanong ka noong hinihingian mo ng paliwanag at hindi sila nakuntento sa paliwanag mo? Will you just force the issue doon sa 'yung pananaw at conviction na wala kang nilabag?


"Dapat kasi ang target, 'Paano ko makukuha ang franchise?' Kasi, ang nangyari, the question is who became the best debater, 'di ba? Para lang tayong nag-point system. 'Ang ganda ng sinabi nito,' 'Ay, mas magaling ito.'


"Nawala ru'n sa first focus na ano ba ang gusto kong marating? Eh, ayaw talaga nilang ibigay. Because they can do that."


Naniniwala rin si Arnell na napakalaki raw ng naging epekto ng pagsasalita ng mga Kapamilya stars laban sa ilang government officials.

"Oo, greatly," diin niya.


"Honestly, do you really think when the stars spoke against the government or the congressmen, or even the Solicitor General, what was the point of all that? Do you think we can scare the Solicitor General? Do you think we can scare the congressmen?


"Again, lumihis tayo sa focus, eh. Naging teleserye, eh, which ang naging talo ay kung sino 'yung humihingi.


"Nakalimutan mo na kung ano ba ang kailangan ko? Kailangan ko ang franchise, eh. Eto bang ginagawa ko, meron ba tayong na-achieve? Nakakadagdag ba sa pag-grant sa ating hinihingi?


"There should be an assessment like that. Naging ano kasi, eh, parang naging show. Tandaan natin na ang mga ito, hindi naman taga-entertainment ito, eh. Hindi ito gumagawa ng teleserye.


"I think nagkaroon ng parallel universe na nagkaroon ng pananaw na ang humihingi at uh, hindi niya inintindi na ikaw ang pumapasok sa teritoryo na hindi sa 'yo. Dapat 'yun ang inunawa mo," pahayag pa niya.


Tanong ulit ni Ateng Janiz kay Arnell, hindi raw ba nag-power tripping ang mga congressmen sa pagdinig sa franchise application ng ABS-CBN?


"Ire-rephrase ko 'yun. Alisin mo 'yung tripping, kasi, power, oo, tripping, hindi. Talagang may power sila. At ikaw ang lalapit sa kanila. So, normal lang naman 'yun, eh. Walang power tripping. Ngayon, hamunin mo, eh, ang lahat ng lakas niya, ilalabas niya."


May isang nag-viral na post na ini-repost ni Megastar Sharon Cuneta kung saan sinasabing ang mga nasa likod diumano ng pagpapasara sa ABS-CBN ay si Cong. Paolo Duterte at ang simbahan ng Iglesia ni Cristo (INC).


"Nakakasiguro ako na hindi 'yan nakatulong (sa pag-aapruba ng prangkisa ng ABS-CBN). Kasi remember, may hinihingi ka. Paano bang humingi? Papakitaan kita ng isyu? Ang lahat kasi ng hakbang was an assault. Kunwari, lumabas 'yung ganyang kuwento, paano ngayon ang magiging partisipasyon ng isyung 'yan sa usapin?


"Whether totoo o hindi, hindi pa rin 'yan makakatulong. Dapat, hindi na 'yan inilabas at nanatili 'yung pokus doon sa kailangan kong makuha ang franchise."


Lastly, shinare rin ni Arnelli ang saloobin niya sa 11K employees ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.


"Life is not really fair. And lahat tayo, dumarating sa mga ganitong sitwasyon. Eh, ako, ilang beses ako nawalan ng show. Narinig n'yo ba akong sinabi kong wala na akong pag-asa?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page