top of page
Search
BULGAR

Ikaw, Daniel, handa ka na ba? KATHRYN AT ALDEN, TUMA-TIMING LANG SA PAG-AMIN SA RELASYON

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 30, 2024



Photo: Alden at Kathryn - KathDen - GMA / Circulated


Nagbubunyi ang mga Kathryn Bernardo fans sa tinuran nito sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda na ready na nga siyang muling magkarelasyon.


Granting na pag-uusapan naman talaga lalo’t nalalapit na ang showing ng Hello, Love, Again (HLA) nila ni Alden Richards, pero never naman nating narinig kay Kath na ginamit niya ang usaping love life sa pag-promote ng kanyang project.


Well, kami nga’y mas naniniwala na meron na talaga silang something ni Alden at naghihintay lang sila ng perfect timing na publicly ay ianunsiyo ito.


Ramdam na ramdam namin from afar. Hahaha!


Ay, basta, masaya si Kath at ang puso niya.


Pasingit na rin pala ng pagbati sa aming minamahal na si Kuya Boy Abunda ng isang bongga, masaya, healthy at safe na kaarawan last October 29. More blessings po, Kuya Boy!


 

BF, kaya 'di ipinagtanggol… YASSI, PINATAHIMIK NA SA PAMBA-BASH KAY GOV. LUIGI PARA 'DI MASIRA ANG IMAGE



DEDMA at wala pa ring reaksiyon si Yassi Pressman sa mga pambabatikos na nakuha ng kanyang BF na si Gov. Luigi Villafuerte sa ginawa nito sa mga biktima ng Bagyong Kristine.


Ayon sa aming nakausap, may mga bilyonaryong kaibigan ang mag-amang Villafuerte na nagpayo na huwag nang paeksenahin pa ang showbiz personality dahil maganda na umano ang imahe nito bilang supportive GF ng gobernador ng Camarines Sur.


Dagdag pa, “She has definitely her own following that can boost Luigi’s or Villafuerte's roles in CamSur's politics. Let it stay that way.”


Hmmm… Ayon naman sa mga socmed followers ni Yassi:


“Well, gamitan lang naman ‘yan. Kung makikinabang nang wagas si Yassi, choice niya ‘yun pati na ‘yung pagiging part n’ya sa mga kanegahan ng kanyang BF."


“Napag-uusapan lang naman s’ya dahil sa ganyang mga balita at hindi dahil sa magaling s’yang aktres o bonggang artista, 'noh?” pagtataray ng ilan.


 

Namimili raw ng away…

PIA, DINEDMA NA LANG ANG HIRIT NI HEART 



SAMANTALA, marami rin ang humahanga kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil hindi na raw ito nag-react pa sa tila unsolicited advice ni Heart Evangelista.


“Our queen is simply displaying a kind of character that befits her. No talk, no mistake, ‘di ba? For sure naman, aware si Pia sa nais ipabatid ni Heart. It’s just that she knows her battle and she chooses to be the queen that she is — humble, responsible and nonchalant, LOL (laugh out loud),” ang proud na shout-out ng mga supporters ni Pia.


On the other hand naman, nagpapa-busy ngayon si Heart sa kanyang mga fashion events abroad pati na sa kanyang bagong TV show na nag-start nang umere last weekend.


 

NAKAKALOKA talaga ang beauty contest sector natin. Sa sobrang invested nga ng mga Pinoy sa mga gaya ng Miss Universe, heto at hindi nagpakabog ang transwoman owner ng Miss Universe sa naging paandar ni Miss Grand International owner at kapwa Thai na si Nawat Itsaragrisil na nag-viral globally.


Dahil nga sa nalikhang kontrobersiya ni MGI Myanmar nang isoli nito ang 2nd runner-up title niya kung saan nanalo si Ms. India at first runner-up si Ms. Philippines CJ Opiaza, mukhang nais namang magpaandar ni Ms. Universe franchise owner Jakkaphong Jakrajutatip.


Very unfair at unbecoming ngang maituturing na nagbibigay ito ng kanyang personal favorites na papasok daw sa Top 5 come November 16 sa Mexico City.


Siyempre, gusto nitong mag-ingay, lalo’t hindi nito pinansin ang Ms. Philippines-Universe bet nating si Chelsea Manalo, knowing how active worldwide ang mga beaucon fans na Pinoy.


Pati 'yung isang kilalang Venezuelan fashion icon na dating owner ng Venezuela franchise at itinuturing na instrumental sa maraming Ms. Universe winners from Venezuela ay grabe ring mang-okray ng mga ibang candidates from other countries.


Dapat pa bang suportahan ang mga beauty contests na ganito, lalo’t ang mga may-ari o nagpapatakbo ay tila mga negosyo at ingay lang ang gusto?


Teka lang, nakasingil na kaya si Manong Chavit Singson ng kanyang milyones na dolyar nang minsan niyang iprodyus ang finals ng Miss Universe sa bansa natin some years back?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page