top of page
Search
BULGAR

Ikalawang libro ni VP Sara, tiyak na sapul si PBBM

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 23, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

BAWAL ANG EPAL NA PULITIKO SA PANAHON NI SEC. REX GATCHALIAN BILANG HEAD NG DSWD -- Inanunsyo ni Sec. Rex Gatchalian ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) na lahat ng mamamayan na nangangailangan ng kalinga ng ahensya, basta kumpleto ng requirements ay tutulungan ng kagawaran kahit walang endorsement mula sa mga politician.


Ibig sabihin niyan, kung sa DSWD hihingi ng tulong ang sinumang mamamayan, hindi na kailangang magpagod pang pumunta sa mga pulitiko, dumiretso na sa mga tanggapan ng DSWD sa kanilang mga lugar, at sigurado maibibigay ang hinihinging tulong.


Sa mga naging kalihim ng DSWD, si Sec. Rex lang ang nag-statement ng ganyan, na kulang na lang sabihin niya na sa panahon niya bilang DSWD sec., bawal ang epal na pulitiko sa ahensya, palakpakan naman diyan!


XXX


SANA NOONG SI EX-P-DUTERTE PA ANG PRESIDENTE NG ‘PINAS NAGPAKITA NG TAPANG SI CONG. JANETTE GARIN LABAN SA POGO -- Buong tapang na binatikos ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin si ex-P-Duterte dahil sa pagpayag nito na makapasok at makapagnegosyo sa Pilipinas ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na pag-aari ng mga Chinese.


‘Yun naman pala, ayaw naman ni Garin sa POGO, kaya sana noon pa niya ito binatikos at nagpakita ng tapang laban sa POGO nang si ex-P-Duterte ang pangulo at hindi ngayon na wala na sa Malacañang ang ex-presidente saka siya nagpapabida sa publiko laban sa pagpapahintulot nito sa POGO na makapag-operate sa bansa, period!


XXX


SA IKALAWANG LIBRO NI VP SARA TATAMAAN SI PBBM -- Matapos isapubliko ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang unang libro na gawa niya na may titulong “Isang Kaibigan,” nanawagan siya sa publiko na abangan ang kanyang ikalawang libro na may titulong “Pagtataksil ng Isang Kaibigan.”


Walang duda, si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang tatamaan sa ilalabas na ikalawang libro ni VP Sara, abangan!


XXX


KAHIT BAON NA SA UTANG ANG ‘PINAS, UUTANG NA NAMAN ANG MARCOS ADMIN -- Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nanatili ang Pilipinas sa net creditor status ng International Monetary Fund (IMF).


Dahil diyan ay asahan nang kahit baon na sa utang ang ‘Pinas ay mangungutang na naman nang mangungutang ang Marcos administration sa iba’t ibang financial institutions sa mundo, nakupo!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page