ni Jasmin Joy Evangelista | January 30, 2022
Nakatakdang muling magtaas ang presyo ng petrolyo sa Pebrero 1.
Ito na ang ika-5 sunod na linggo na may ika-5 sunod na price hike.
Galaw sa presyo ng petrolyo:
Gasolina - P0.80-P0.90/L
Diesel - P0.60-P0.70/L
Kerosene - P0.40-P0.50/L
Ayon sa mga taga-industriya, mabagal pa rin at hindi nahahabol ang pagtaas ng demand ng petrolyo kahit nag-anunsiyo na ng dagdag-produksyon ng OPEC-plus countries.
Tumaas din ang presyo sa world market dahil sa posibleng giyera at sanctions sa Russia na isang malaking exporter ng langis sa buong mundo.
Comments