ni Lolet Abania | June 10, 2022
Pisikal na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng ika-124 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 sa Rizal Park, Manila.
Sa isang advisory na ipinadala ng Malacañang sa mga reporters, nakasaad na si Pangulong Duterte ay dadalo nang personal sa Independence Day commemoration rites na may temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas.”
Ang nasabing okasyon ay itinuturing na huling beses na pangungunahan ni Pangulong Duterte ang event bilang presidente ng bansa dahil ang kanyang termino ay magtatapos na sa Hunyo 30.
Noong nakaraang taon, dumalo ang Pangulo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Malolos City, Bulacan, ang tahanan ng unang Republika ng Pilipinas.
Matapos ng selebrasyon ng Independence Day sa Hunyo 12, dadalo rin ang Pangulo sa paglulunsad o naming and commissioning ng BRP Melchora Aquino sa Port Area, Manila.
Batay pa sa advisory, “[President] Duterte will then proceed to the lowering of the tunnel boring machine, as well as train demonstration and unveiling of the Philippine Railways Institute Interim Simulator Training Center of the Metro Manila Subway Project in Valenzuela City.”
Commentaires