top of page
Search
BULGAR

Iilan lang daw sila sa buong mundo ang meron… P600K, ISANG UPUAN PA LANG SA BAGONG BAHAY NI IVANA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 26, 2024



Photo: Ivana Alawi's channel - YT


Tapos na pala ang ipinatayong dream house ni Ivana Alawi and in fact, nagpa-house tour na siya sa kanyang vlog.


Ayon sa aktres-influencer, matagal nang inire-request ng mga fans ang house tour kaya naman finally ay pinagbigyan na rin niya.


“Matagal ko na pinag-iisipan kung magha-house tour ba ako or gagawin kong private ang house pero napag-isip-isip ko, I think sa sobrang dami n’yo nang nagre-request, iha-house tour ko na kayo,” sey ni Ivana.


“Gusto ko rin siyempre na makita n’yo ‘yung pinaghirapan natin,” dagdag pa niya.

Una niyang ipinakita ang kanyang eleganteng living room na favorite area raw niya dahil dito tumatambay ang barkada at pamilya niya.


Makikita nga agad ang kanyang bonggang furniture at sala set na talaga raw ginastusan niya nang malaki.


“Dito talaga ako nag-invest sa mga Italian furniture. Dati kasi, hindi naman ako marunong ng mga ganyan. Pero na-realize ko, dapat mag-invest ka sa magagandang furniture na tatagal talaga,” sey niya.


Ipinakita ni Ivana ang favorite piece niya sa living room na kung tawagin daw ay "Mama Chair" at take note, nagkakahalaga ito ng mahigit kalahating milyong piso.


“Pinag-isipan ko talaga kasi ang mahal n’ya. Parang P600,000 ‘to. It’s a statement,” aniya.

“This is limited edition kasi iilan lang ang meron nito sa mundo,” dagdag pa niya.

“This is actually also from Italy and iisa na lang ‘yung meron na color beige and I think, dito sa bansa, 2 pieces lang ang meron sa Philippines, so isa tayo sa may-ari,” paliwanag pa niya sa Mama Chair.


Isa rin sa mga pinagkagastusan nang malaki ni Ivana ay ang kanyang dining chairs na designed by the same company na nag-design ng Ferrari chairs.


“Alam n’yo kung gaano ko katagal 'to pinag-isipan kung bibilhin ko ba s’ya or hindi? Kung sino’ng gumawa ng Ferrari chairs, ito rin 'yung nag-design,” tsika niya.


Isa sa mga ipinagmamalaki ni Ivana sa kanyang bahay ay ang view ng nature mula sa kanyang bedroom.


“Isa rin sa favorite ko talaga rito is ‘yung view. Alam n’yong mahilig ako sa bundok and all and ganu’n ‘yung view n’ya paggising pa lang,” sey niya.


 

Lalo na raw 'pag nai-stress…

BELA, INAMIN ANG SAKIT KAYA TUMATABA 





Inamin ni Bela Padilla na isang malaking challenge talaga sa kanya ang pagkakaroon ng hypothyroidism at Polycystic Ovary Syndrome (PCOS).


Sa kanyang Instagram (IG) Story ay nag-post ang aktres ng reel kung saan ay makikitang 57 kilograms ang kanyang timbang ayon sa weighing scale.


Ani Bela sa caption ay dumating siya sa bansa na 63 kilograms ang weight niya which means, tumaba siya dahil ang normal weight daw niya ay 50-53 kilograms. Kaya naman tumodo raw siya sa pagwo-workout at halos hindi na rin daw siya kumakain.


“I was 63 kgs. when I arrived, working out intensely 4-5x a week and eating almost nothing. Now, I'm at 57.1 kgs... (still not my usual 50-53 but I’ll take it),” sey ni Bela.


“I only stretch/breathe deeply in the morning, see my doctor @roland_angeles_md every 10 days, take @newmoonph for hormonal balance and eat clean,” saad pa niya.


Naikuwento rin niyang isa rin ang stress sa mga nagpapa-bloat sa kanya.


“What works for most people might not work for you. I used to tire myself out in the gym but it was stressing me out more which was making me bloat,” anang aktres.

Bagama’t nahihirapan si Bela sa kanyang sakit ay sinabi niyang kakayanin niya ang challenge.


“My hypothyroidism and PCOS are making things challenging but I never back down from a good challenge,” sey niya.


Matatandaang inamin ni Bela last year na mayroon siyang PCOS which was defined as a hormonal condition that affects women of reproductive age and can cause a number of symptoms. Isa na nga sa mga sintomas nito ay ang pagdagdag ng timbang na matatandaang problema rin ni Angel Locsin.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page