top of page
Search
BULGAR

Ihanda ang kabataan sa ‘Industry 4.0’ sa pagbangon mula sa pandemya

ni Kuya Win Gatchalian - @Win Tayong Lahat | September 07, 2021



Upang paigtingin ang pagbangon ng ekonomiya mula sa pinsala ng COVID-19, isinusulong ng inyong lingkod na maiangat ang kakayahan at kahandaan ng mga mag-aaral at manggagawa ng bansa para sa Fourth Industrial Revolution o Industry 4.0.


Dapat itong tutukan ng sektor ng edukasyon, kabilang na ang mga paaralan sa K-to-12, upang matiyak na may sapat na kakayahan ang mga mag-aaral para sa mga itinuturing na “jobs of the future,” lalo na’t maraming mga industriya ang gumagamit ng mas maraming teknolohiya para sa automation at digitalization.


Ayon sa The Future of Jobs Report na inilabas ng World Economic Forum (WEF) noong 2020, kabilang sa Top 15 Skills sa taong 2025 ang mga may kinalaman sa paggamit ng teknolohiya. Kasama rin dito ang analytical thinking and innovation, active learning and learning strategies, at complex problem-solving.


Ibinahagi rin ng naturang ulat na lumalawak ang pangangailangan ng mga industriya para sa mga trabahong tulad ng Data Analysts and Scientists, Artificial Intelligence (AI) and Machine Learning Specialists, Big Data Specialists, Digital Marketing and Strategy Specialists, at Process Automation Specialists.


Ngunit ibinahagi rin ng WEF na may ilang sagabal sa paggamit ng mga bagong teknolohiya. Ayon sa mga kumpanyang naging bahagi ng ulat, ang mga pangunahing sagabal na naitala ay ang skills gaps sa local labor market (55.4%), hirap sa paghikayat sa mga may special talent o kakayahan (46.7%), at skills gaps pagdating sa mga lider ng organisasyon (41.4%).


Sa Pilipinas, halimbawa ay hirap magkaroon ng sapat na mga data science and analytics (DSA) professionals. Base sa 2020 research paper ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), mahigit 176,597 ang nagtapos mula sa 10 undergraduate programs na may kaugnayan sa DSA noong 2019. Sa kabila nito, wala pang 40 porsiyento ang itinuturing na handa sa larangan ng DSA.


Kailangan nating tutukan ang mga kakayahang kinakailangan sa Fourth Industrial Revolution at sa digitized na daigdig. Ang mga negosyo nga ngayon ay sumasabay na sa mga pagbabagong idinulot ng pandemya.


Isang magandang halimbawa ng kahandaan para sa Industry 4.0 na ating nakita ay ang SkillsFuture sa Singapore. Ito ay statutory board sa ilalim ng Ministry of Education na may mga programa at ayudang inaalok para sa reskilling at upskilling ng mga mag-aaral, mga employer at mga empleyado na nasa iba’t ibang yugto ng kanilang propesyon.


Bilang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, nadiskubre at napag-aralan ng inyong lingkod na higit nating kakailanganin ang critical thinking, analysis, at innovation sa bansa. Ito ang mga kakayahang dapat tutukan ng ating mga paaralan sa basic education dahil naniniwala tayo na dapat paigtingin ang mga kakayahang ito sa murang edad pa lamang.


 

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page