ni ATD / Anthony E. Servinio - @Sports | March 10, 2021
Tinambakan ng first seed Raptors 905 ang Ignite Select Team, 126-102, upang tuluyan nang wakasan ang kanilang debut sa NBA G League sa larong ginanap sa AdventHealth Arena sa Lake Buena Vista, Florida bubble.
Nagtapos ang kampanya ng Ignite sa kartadang 8-7 record at playoff appearance. Nanguna sa laro si Fil-Am star prospect Jalen Green na may career-high 30 points sa 11-sa-20 shooting, na may 7 assists, 5 rebounds at 3 steals sa loob ng 41 minutong paglalaro. Umambag din ang kapwa nito NBA prospects na sina Daishen Nix at Isaiah Todd ng 11 at 9 points, ayon sa pagkakasunod-sunod, habang si Bobby Brown ang nanguna sa veteran cast na may 15 points.
Nanguna naman para sa panalo ng Raptors si Henry Ellenson na may game-high na 33 points habang sina Matt Morgan at Nik Stauskas ay umambag ng 23 points para sa panalo ng Raptors.
Samantala, nabulabog ang NBA sa pagpirma ni Blake Griffin sa Brooklyn Nets matapos pakawalan ng kulelat na Detroit Pistons bago ang katatapos na All-Star Game. Sasamahan na ng 2011 Rookie of the Year ang “Big Three” na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden upang lalong palakasin ang pagkakataon na mauwi ng prangkisa ang kanilang unang kampeonato sa liga. Nakatakda ang unang laro ni Griffin bilang Nets sa Biyernes kontra sa bisitang Boston Celtics, isa sa mga koponang na pinagpilian niya bago nagkasundo sa Brooklyn.
Samantala, tiyak na pahirapan sa pagsilo ng ticket sa 2021 Olympic Games ang national karatedo. Pero kakasa pa rin ang pambato ng Pilipinas, sisikapin ng national karetedo sa pangunguna ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jamie Christine Lim na makabingwit ng slot sa sasalihang qualifying tournament.
May halos 100 karatekas ang maglalaban-laban sa isang weight category at tatlo lang sa apat na sisikwat ng gold, silver at dalawang bronze medals. Sasalang si Lim sa women’s +61-kilogram ng Olympic qualifying sa Hunyo sa Paris, France.
“They’re (organizers) gonna take the medalists sa top four. Isang gold, silver at dalawang bronze tapos magra-round robin sila and they’ll get the top three,” hayag ni Lim.
Tutungo ang national karatedo sa Istanbul, Turkey sa susunod na linggo para sa two-month training camp.
Samantala, apat pa lang ang swak sa summer games ito'y sinapole vaulter Ernest John Obiena, boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno at gymnast Carlos Edriel Yulo.
Comments