top of page
Search
BULGAR

Ifinlex sa IG… HEART, NAGPA-PICTURE KAY CHIZ HABANG NAKA-BRA

ni Nitz Miralles @Bida  | August 27, 2024



Showbiz News
Photo: Chiz Escudero

Kaya pala naka-tag si Senate President Chiz Escudero sa post ni Heart Evangelista na suot ang Avon underwear dahil si Chiz ang photographer ng photo shoot na iyon. 

In fairness, mahusay na photographer si Chiz para sa kanyang wifey, nakuha ang shot at mood na gusto ni Heart.


Matatandaang si Chiz din ang photographer ni Heart para sa kanyang Louis Vuitton shoot sa bahay nila. Itinuro lang ni Heart kung ano ang anggulo na dapat kunan ni Chiz at nang makita ang photos, nag-thank you si Heart sa asawa niya.



Para sa Avon shoot, may nag-comment na, “The way that it’s your husband who took this photo is another level of intimacy.” 


Sumunod naman ang comment para kay Chiz, “This time, I’ll go for the photographer! Very artsy, he captured his wife like a dream.” 


May gusto ring malaman kung ano ang nangyari sa kanila ni Chiz pagkatapos ng photoshoot.


Anyway, dahil ine-endorse ni Heart, inunahan na ng mga fans nito na maso-sold-out ang partikular na style at kulay ng Avon bra na nasa Instagram (IG). Inilabas ni Heart ang kanyang kaseksihan at may mga anggulo pa na boobsie raw pala ito.


 

Aktres, 'di raw feel magpa-kiss sa 'di niya BF… 

HALIKAN NINA BARBIE AT DAVID, PINEKE LANG 


David at Barbie - Pulang Araw / Netflix

BUKAS na ang branch ng Kuya Korea resto ni David Licauco sa Fiesta Carnival sa Araneta Center sa Cubao. Nang dumaan kami minsan, may diners na, at for sure, ang iba ay umasa na darating si David.


May mga kumakain sa branches ng mga resto ni David para lang makita siya, makausap, at makapagpa-picture. Marami ang humihiling na mag-open siya ng iba pang branch at alam na maganda ang takbo ng resto dahil open na for franchise.


Samantala, kahit fake ang kissing scene nina David at Barbie Forteza sa Pulang Araw (PA), may mga kinilig pa rin. Pero umaasa silang sa susunod na may kissing scene sina Adelina (Barbie) at Hiroshi (David) sa series, real kiss na at hindi fake kiss.


May nagtanong nga kay David kung hindi ba siya nao-off kapag side cheek o buhok ni Barbie ang kanyang hinahalikan? Nakakabawas daw sa ganda ng eksena kapag fake ang kiss. Puwede naman daw sa noo magpahalik si Barbie kung ayaw niyang magpahalik sa hindi niya boyfriend. 


Saka, maiintindihan daw ng boyfriend niyang si Jak Roberto kung magpapahalik siya dahil artista rin ito.


 

MABABASA ang pakiusap ni Karla Estrada na huwag ipo-post ang mga eksena sa Incognito na nagte-taping ngayon sa Palawan, para nga naman walang spoiler.

Kaya lang, hindi mapigilan ang mga fans dahil kinukunan ang taping at ipino-post at isine-share pa rin.


Ang maganda lang, hindi naman buong eksena ang kinukunan; kapag nakakuha na ang fans ng photos ng cast, tumitigil na sila. Off-cam na lang nila kinukunan ng picture sina Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion at Richard Gutierrez.


Samantala, ini-repost ni Senator Robin Padilla ang teaser ng Incognito na featured si Daniel. Proud siguro si Robin na action ang bagong series na ginagawa ng kanyang pamangkin. Pinasalamatan si Sen. Robin ng mga fans ni Daniel dahil supportive raw ito sa aktor at sa paggawa ng action series.


 

AYAN na naman, dahil hindi na pina-follow nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang isa’t isa sa Instagram (IG), break na raw ang dalawa. Sari-saring espekulasyon ang lumalabas. Para malinaw, hintayin natin ang official announcement nila kung ano ang story behind sa unfollowing nila sa IG.


If ever break na nga sina Rabiya at Jeric, hindi ito ang first time dahil naghiwalay na rin sila noon, nagkabalikan lang. 


May mga naghihinayang kung totoo ang balita dahil ipinaglaban daw nila ang kanilang relasyon.


Hindi puwedeng sabihing para sa career at ‘publicity’ ang balitang break na sina Rabiya at Jeric dahil may career pa sila. Si Jeric nga, nasa cast ng Widows’ War (WW) at maganda ang kanyang role. Si Rabiya, nag-guest sa Pulang Araw (PA) kaya lang, tatlong eksena lang yata.




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page