top of page
Search
BULGAR

Idol ang padir na si Dennis Roldan, Cristine… MARCO, TATAKBONG CONG. SA CAMSUR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 3, 2024



File photo showbiz
File photo: Marco Gumabao

Gustong sundan ni Marco Gumabao ang yapak ng amang si Dennis Roldan bilang dating konsehal at congressman ng 3rd District ng Quezon City mula 1992-1995 o isang termino.


Ayon sa report ni Ogie Diaz sa Showbiz Update vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay sa Camarines Sur o CamSur plano ni Marco kumandidato bilang congressman.


“Confirmed na Loi na tatakbong congressman sa District 4 sa CamSur o Camarines Sur ang guwapong aktor na si Marco Gumabao. Madalas s’yang nakikitang bumababa-baba sa mga bayan (sabay pakita ng mga larawan ni Marco kasama ang mga taga-Camsur para sa mga projects).


“Tagaroon din naman ang mga Imperial. Si Marco, Imperial Gumabao. Sabi sa ‘kin ni Marco na noon pa niya pangarap maging isang public servant at sa District 4 ‘yan na may sampung bayan yata ‘yan, kung hindi ako nagkakamali,” at saka binanggit isa-isa ni Ogie ang mga bayan ng nasabing lungsod.


“Ayon sa aking source ay napakasipag ni Marco magbaba-baba d’yan sa mga ‘yan (bayan). At si Marco naman ay nakausap ko pero hindi masyadong makuwento pero kilala ko siya at na-sense ko na tatakbo nga (ipinakita ang mga larawang may tarpaulin ang aktor).


“At saka in fairness, dito naman sa showbiz ay mabait si Marco. Wala naman siyang nakaaway dito, saka people person naman ‘yan. Kaya naman napakasipag bumababa-baba doon. At natatandaan natin, that same district din tumakbo si Aga Muhlach, saka muntik nang tumakbo si Anjo Yllana,” kuwento ni Ogie.


Matatandaang hindi pinalad si Aga nu’ng kumandidato rin siyang congressman sa nasabing bayan ng CamSur kung saan tagaroon ang namayapa niyang ina na si Gng. Anita Adis Aquino nu’ng 2007. 


Ayaw na ring pag-usapan ni Aga ang tungkol sa kandidatura niya noon sa CamSur dahil hindi naging maganda ang experience niya at sabi ng iba ay nadaya noon ang aktor. 

Si Anjo naman, kaya hindi natuloy kumandidato dahil nagkaroon siya ng problema noon sa pera na tila hindi naibigay ang kanyang pondo.


Anyway, ang tanging nasabi ni Ogie kay Marco, “Good luck, Marco Gumabao, at sana nga, ‘pag ikaw ay nabigyan ng pagkakataon ng iyong mga constituents d’yan ay ‘wag mong sayangin ang kanilang mga boto and I’m sure, masusulit naman ang mga boto nila kung ikaw ay sure na sure na at wala nang atrasan.”


Sa kasalukuyan ay wala pang nababanggit ang aktor tungkol dito pero ang huling post niya sa kanyang Instagram account ay naging host siya sa ginanap na Miss Kaogma 2024.


Ang caption ni Marco sa video post niya: “Always a good time here at Kaogma festival! (100% emoji) Maogma akong mahiling ang mga kapwa Bikolano digdi sa Camsur! Kahit na makusog ang uran, yaon pa din po kamo at naki saya samuya!


“Tuloy-tuloy pa rin ang saya hanggang May 27! Thank you Gov @vincenzo.luigi sa masayang linggo ng kaogmahan (fire emoji).”


Hmmm, sa partido kaya ni CamSur Governor Vincenzo Luigi Villafuerte aanib si Marco?


Si Gov. Luigi ang kasalukuyang boyfriend ng aktres na si Yassi Pressman na kamakailan ay nag-viral ang video nilang naghahalikan sa harap ng maraming tao. Baka sa event na ito naganap ang kontrobersiyal na halikan?


Going back to Marco ay posibleng manalo siya dahil malakas ang back-up niya kung sakali.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page