ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 19, 2024
Nang unang mabasa ng mga netizens ang Instagram (IG) post ni Gee Canlas, inakalang para ito sa husband niyang si Archie Alemania dahil sa sinabi niyang, “The truth doesn’t need defending; it speaks for itself.”
Pero, nang mabasa ang caption sa post niyang ‘yun na: “All will be answered in due time,” nagbago ang paniniwala ng mga netizens. Para raw kay Rita Daniela ang nauna niyang post tungkol sa truth.
Dahil sa post na ito ni Gee, ang daming comments sa kanyang IG na halos pare-pareho ang sinabi patungkol kay Rita.
Negative ang mga comments para sa singer-actress. May mga nag-react tuloy na parang trolls ang mga nagpo-post na bini-victim blaming si Rita at may mga personal comments pa sila.
The next time we checked Gee’s IG, nawala na ang mala-trolls comments attacking Rita, deleted na at limitado na rin ang puwedeng makapag-comment sa IG nito. Mayroon pa ring naiwang nagko-comment na zero post at zero followers, na ibig sabihin, mga bagong gawa ang IG account.
Ang magandang balita, open na ang IG ni Gee, limitado nga lang ang nakakapag-comment, samantalang nananatiling naka-off ang comment box ng IG ni Archie Alemania.
INABOT ng 2M ang nag-like sa post ni Kathryn Bernardo na nagpasalamat sa mga sumuporta at nanood ng Hello, Love, Again (HLA) movie nila ni Alden Richards.
Iba naman ang ipinagpasalamat ng mom ni Kathryn na si Min Bernardo. Ipinost nito ang lumabas sa Deadline, isang online news site, na pagkakasama ng HLA sa Top 10 ng US box office films.
Sey sa post, “HELLO LOVE AGAIN is the Top 8 film in the US box office today. I really can’t believe we’d achieve this milestone but here we are. Thank you to everyone who watched our film and gave their support. This is our win! Congratulations, Team HLA!”
Sa mga comments sa post ng mom ni Kathryn, ibinalitang sold-out ang tiket sa Edmonton, Canada at pahirapan makabili ng tiket. Fully-booked din daw sa Manhattan, soldout din sa North Carolina.
Lalayo pa ba tayo? Dito nga sa ‘Pinas, kahit apat na ang cinemas sa isang mall, nagso-sold-out pa rin ang tiket at hindi makapanood ang mga moviegoers sa gusto nilang oras.
Sabi tuloy ng mga fans, sana dalasan nina Alden at Kathryn ang paggawa ng pelikula na magkasama para tuluy-tuloy ang saya.
Sana rin, suportahan ng moviegoers ang ibang local films para masaya at para hindi lang tuwing MMFF kumikita ang mga pelikula natin. Maglabas din sila ng pera sa ibang pelikula, panoorin kahit hindi sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang mga bida.
MALAKI ang pasasalamat ng aktres na si Carla Abellana sa mga sumusubaybay sa Widows’ War (WW) na umabot na sa 1 billion ang views.
“100th episode and many, many more to go. Thank you,” post ni Carla.
Marami pa ngang mangyayari sa story ng drama series dahil extended ito up to January, 2025. Lalo pang iigting ang story dahil pumasok na sa series si Carmina Villarroel bilang si Barbara Sagrado, karakter niya sa WW. Kumare pala siya ni Aurora Palacios (Jean Garcia).
Abangan din ang crossover episode ng WW at Lilet Matias: Attorney-at-Law (LMAAL) at kung paano ito gagawin.
Hinihintay din ang pagge-guest ni Dingdong Dantes na hindi malayong mangyari.
Dahil busy sa WW, hindi na hinahanapan si Carla ng kanyang mga fans kung kailan siya gagawa ng pelikula. Ang request ng mga fans, sana ay pagsamahin sila ni Bea Alonzo sa movie para hindi lang sila sa telebisyon napapanood.
Ang wish pa nila, magkaaway ang role ng dalawa sa pelikula para mas masaya.
Comentaris