ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 14, 2024

Inabangan ng mga fans at Marites na netizens ang reaksiyon ng dating Rivermaya vocalist na si Rico Blanco sa pag-amin ng ex-girlfriend na si Maris Racal na break na sila after ng limang taong relasyon.
Sumugod agad sila sa Instagram account ni Rico hindi lang para alamin ang reaksiyon nito sa ibinulgar ni Maris na todo-iyak sa mediacon ng Star Magic Spotlight, kundi para makisawsaw din at magbigay ng kani-kanilang opinyon sa issue.
As we write this, wala pang inilalabas na statement si Rico Blanco, pero nag-upload ito ng intro ng Rivermaya song na Kisapmata na matatandaang sa bandang chorus ay may lyrics na… "Oh, kaybilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta… Daig mo pa ang isang kisapmata…"
Tanong tuloy ng mga Marites, ito na kaya ang sagot niya sa pag-amin ni Maris na after 5 yrs., nagbago ang aktres kaya umabot sila ng BF sa hiwalayan?
Samantala, kung sa ibang breakups sa showbiz, nasa babae ang simpatya ng publiko, sa Instagram account ni Rico ay may mga nabasa kaming bina-bash si Maris at sinabihan pang ginamit lang ang BF dahil ngayong sikat na raw ito, basta na lang iniwan ang musician.
Luh!!! Oh, kaybilis n'yo namang manghusga sa pag-ibig ng dalawa… Napakanta raw kami, oh!
Ay, naku, kung 'di pa rin maka-move on ang marami sa atin sa nangyari kina Rico at Maris, manahimik na lang at 'wag nang dumagdag pa dahil sabi nga ni Maris, pareho silang grieving ni Rico kaya irespeto ang kanilang paghihiwalay.
ENCHONG, TYPE MA-TESTING SINA ECHO, DINGDONG, PIOLO AT ALDEN

Nasa Cloud 9 pa si Enchong Dee nang humarap sa press sa Star Magic Spotlight presscon dahil sa mga papuring natatanggap sa pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actor sa 7th EDDYS Awards Night na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballrom sa Newport World Resorts sa Pasay City last Sunday, July 7.
Waging Best Supporting Actor si Enchong para sa Gomburza na entry sa last MMFF 2023.
At mas nadagdagan pa ang happiness ni Enchong nang harap-harapan siyang purihin ng kanilang ama-amahan sa Star Magic na si Direk Laurenti Dyogi at sinabing puwede nang maging pambato ng Star Magic at ABS-CBN si Enchong sa mga international movies.
Oh, ha?! Ibig sabihin lang, ganu'n kalaki ang tiwala ni Direk Lauren sa kakayahan at galing ni Enchong bilang aktor na very versatile at kahit saang role mo yata ilagay ay magagampanan niya with flying colors.
Kaya naman tinanong na rin namin si Enchong na bilang aktor, payag din ba itong gumawa ng mga challenging roles sa BL series na nauso nga nu'ng pandemic kung saan baka sakaling manalo naman siyang Best Actor kung mabibigyan lang ng right project.
Pag-amin ni Enchong, bago pa nauso ang mga BL series, naisip na niya ang mga ganitong konsepto ng pelikula at nai-suggest na nga rin daw sa isang kaibigang executive, pero sad to say, hindi nag-materialize dahil siguro hindi rin right timing.
Pero kung sa ngayon daw ay may darating pang ganu'ng offers na mas mabigat sa gay role na ginawa niya sa Here Comes the Groom, game na game pa rin si Enchong at gusto raw niyang makasama kung sakali sina Jericho Rosales, Dingdong Dantes, Piolo Pascual at Alden Richards.
Oh, ha? Ganyan kapalaban at ka-passionate sa kanyang acting career si Enchong at wala siyang qualms kahit pa matagal na ring kinukuwestiyon ang kanyang gender in real life.
Anyway, sa ating mga Ka-BULGAR, 'wag kalimutang panoorin ang full telecast ng 7th The EDDYS ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors ngayong Linggo, July 14, na eere sa ALLTV at 10 PM at mula sa direksiyon ni Eric Quizon.
Panoorin at saksihan ang naggagandahang gowns na inirampa ng mga nominado at awardees sa iba't ibang parangal, ng mga hosts na sina Gabbi Garcia, Jake Ejercito at Janine Gutierrez at ng iba pang special guests and presenters.
Nagdatingan ang mga big stars sa pangunguna nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Julia Montes, Gladys Reyes, Enchong Dee, Elijah Canlas, Cedrick Juan, Ms. Korina Sanchez, ang mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado, ang mga Film Icons na sina Ms. Eva Darren, Nova Villa, Leo Martinez at Direk Gina Alajar at marami pang iba.
So, tutok na, mga Ka-BULGAR!
Tuhod, napuruhan… MIKHA, OUT SA CONCERT NG BINI AT SB19 SA ARANETA

Walang duda, sikat na sikat talaga ngayon ang BINI at SB19 dahil sa totoo lang, first time naming nanood ng concert sa Araneta Coliseum na nabingi kami paglabas namin dahil sa lakas ng tilian ng mga Blooms (BINI fans) at A'Tin (SB19 supporters).
Sakto talaga ang title ng thanksgiving concert na sponsored ng Puregold na Nasa Puregold ang Panalo! na ginanap last Friday night (July 12) dahil panalung-panalo ang sikat na retail giant sa all-out support at mainit na pagtanggap ng mga fans club ng dalawang grupo.
Punumpuno ang Araneta Coliseum, hindi lang sa VIP area kundi hanggang sa tuktok. Grabe ang tilian ng mga Blooms nang lumabas na ang BINI para sa kanilang mga kantang Lagi, Ang Huling Cha-Cha, Huwag Muna Tayong Umuwi, Salamin, Salamin at Pantropiko. Dumadagundong talaga ang Big Dome, 'kalokah!
At kahit wala si Mikah that night dahil una nang nagpasabi ang Star Magic na talent management ng all-girl group na hindi ito makakapag-perform dahil sa minor injury sa left knee, buhay na buhay pa rin naman ang mga Blooms na sinasabayan ang kanilang song and dance number.
Patok na patok din ang collaboration ng BINI at ni Justin ng SB19 sa Salamin, Salamin at tuwang-tuwa ang mga fans.
Pagkatapos ng BINI, nag-perform din ang mga sikat na rapper na sina Flow G, Gloc 9 at Skusta Clee at grabe rin ang energy nila, nabingi kami 'di sa lakas ng tilian kundi sa "toda max" na mga boses nila at way ng pagkanta.
Hindi pa napapahinga ang tenga namin, grabe na naman ang hiyawan ng A'Tin nang lumabas na ang SB19 at kantahin ang Gento, Moonlight, I Want You, Mapa, Liham at Crimzone.
Naghitsurang mga bituin sa langit ang kislapan ng mga light stick habang nagpe-perform ang SB19. Maa-amaze ka na lang talaga sa support ng mga fans nila.
Highlight din ng gabi ang kani-kanyang award/title na iginawad ng Puregold sa mga members ng SB19.
Sa ending o finale, ang galing na napagsama-sama talaga ng Puregold ang BINI, SB19, Flow G at iba pa para kantahin ang bagong theme song ng chain of grocery stores nationwide titled Nasa Atin ang Panalo.
Samantala, ipinakita rin sa thanksgiving concert ang teaser para sa Pagtatag documentary ng SB19 na mapapanood na in cinemas on August 28, 2024.
Pahayag ni Puregold Price Club Inc. President Vincent Co sa success ng concert, "The Nasa Atin ang Panalo thanksgiving concert marks another significant milestone for Puregold. Celebrating 25 yrs. of success and 500 stores, we have also forged a path for others to create their own Panalo stories. This event is our way of showing appreciation to our loyal shoppers and the community that helped us get here."
Comentarios