ni Imee Marcos @Imeesolusyon | November 24, 2023
Heto na naman tayo, umiinit na naman ang isyu ng planong pakikialam ng mga dayuhan sa sistema ng hustisya sa ating bansa.
At ang masaklap, kinakampihan pa ng ilan sa ating mga mambabatas.
Eh, ‘di ba tablado na ‘yan sa nagdaang administrasyon, at inisnab na rin ng aking Ading na si P-BBM ng maraming beses?!
Abah, eh, ke kulit naman! Unli nang pagtatangka ‘yan ng International Criminal Court sa ‘tin ha!
Helllo, walang respeto sa ating justice system!
IMEEsolusyon para ‘di na tayo kulitin ng ICC, panawagan ko sa ating kapwa mga mambabatas na magkaisa tayo sa paninindigan na malayang bansa tayo at sagka sa ating soberanya ang panghihimasok ng mga dayuhang ICC.
And take note, ang kasarinlan ng hudikatura ay naroroon at totoo. Ang ating hukuman ay isang hukuman ng batas at katarungan, walang pakialam sa personalidad o anumang pulitikal na ingay.
Ang pagpapalabas ng piyansa ni dating Senador Leila De Lima ay patunay dito.
Ito ay nagpapalakas sa aking posisyon mula pa sa simula, na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa sinumang Pilipino -- lalo na kay PRRD. Walang pakialam ang ICC sa ating sistemang pangkatarungan!
Sundin n’yo naman ang ating Pangulo na no to ICC intervention sa ating justice system.
Kahihiyan din natin na papayagan ang ICC, gayong may sarili tayong justice system!
Ano ba ‘yan, meron kasing nanggugulo eh... malayo pa ang eleksyon tila buwitre o vulture, abangers sa mga gusto nilang wakwakin para makamit ang ambisyon!
IMEEsolusyon sa mga kapwa ko mambabatas, i-prioritize naman natin ang mga basic
issues at needs ng ating mga kababayan.
Gaya ng mataas na presyo ng bilihin, kuryente, tubig at saka puwede ba parusahan at magpakulong na ng mga agri-smugglers?!
Kaya sa ganang akin, ‘wag magsayang ng oras sa isyu ng ICC.
IMEEsolusyon na unahin na natin ang problema ng kalderong walang laman, sikmurang kumakalam! Agree?
Comments