top of page

Ibinulgar ni Ricky Lee… NATIONAL ARTIST AWARD NI NORA, 2 BESES NAHARANG BAGO NAIBIGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 28 minutes ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 26, 2025



Photo: Nora Aunor - IG



Sa eulogy para sa Superstar na si Nora Aunor, nabanggit ni Ricky Lee na dalawang beses na naharang ang paggagawad ng National Artist kay Aunor. Ipinagkait daw sa Superstar ang rekognisyon. 


Hindi na binanggit ni Ricky Lee kung sinu-sino ang mga tumutol na maging National Artist si Nora dahil sa pagsulpot ng ilang isyu. 


Taong 2014 daw huling na-reject ang nomination ng Superstar. Ganunpaman, noong 2016, sa panahon ng panunungkulan ni Rodrigo Duterte bilang pangulo ay nakamit na ni La Aunor ang pagkilala bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.


Maraming magagaling na direktor sa movie industry ang nakatrabaho ni Aunor, tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Mario O’Hara, Marilou Diaz-Abaya, Joel Lamangan, Maryo J. Delos Reyes, Brillante Mendoza, Adolf Alix, atbp. ang nagsasabing karapat-dapat si Nora Aunor sa karangalan bilang National Artist dahil sa dami ng magagandang pelikula na kanyang nagawa. At nanalo na siya ng ilang Best Actress awards mula sa ilang award-giving bodies sa industriya.  


 

MASAYANG-MASAYA ngayon ang Kapuso actress na si Mikee Quintos dahil sa wakas ay nagawa niyang maka-graduate sa kursong Architecture sa University of Santo Tomas (UST). 


Kahit na inabot pa siya ng 10 years bago natapos ang kanyang kurso, hindi siya nag-give-up kahit mahirap na pagsabayin ang kanyang showbiz career at pag-aaral. 


Ngayon ay may maipagmamalaki na siya. Handog ni Mikee sa kanyang parents ang kanyang diploma at bale regalo na rin niya sa kanyang sarili.


Ngayon ay makakapag-concentrate na nang husto si Mikee sa mga projects na kanyang tinanggap. Kasama siya sa cast ng Encantadia: Sang’gre Chronicles (ESC).  


Malungkot man si Mikee Quintos sa paghihiwalay nila ng nobyong si Paul Salas, tanggap naman niya ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. Maaaring hindi raw sila itinakda para sa isa’t isa.  


 

MUKHANG totoo nga ang predictions ng ilang psychics na ngayong 2025 ay maraming showbiz couples ang magkakahiwalay. Magsusunuran sila sa nangyari kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Naghiwalay din sina Barbie Forteza at Jak Roberto na seven years ang naging relasyon. Tapos ay nag-break din sina Mikee Quintos at Paul Salas.


Hindi pa umaamin sina Kyline Alcantara at Kobe Paras, pero marami ang nakakakita kay Kobe na may kasamang bagong chicks sa Bali, Indonesia. 


Ngayon ay maigting ang bali-balitang nagkakalabuan na rin sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, kaya marami ang nag-aabang ng kanilang posts sa social media para sa kanilang latest update sa kanilang relasyon.


Well, sinu-sino pa kayang showbiz couples ang susunod na aamin ng kanilang breakup? At bakit nangyayari ang ganitong sunud-sunod na paghihiwalay ng mga showbiz couples?  


 

BUKOD sa pagiging mahusay na komedyante, singer/composer at creative director ng mga comedy shows ng GMA Network, magaling ding mag-sketch si Michael V. 


Nagagamit niya ang talent niya sa pagguhit ng mga larawan ng mga sikat na celebrities.  

Magkasunod na pumanaw ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor. At bilang pagpupugay kina Pilita at Nora ay gumawa si Michael V. ng sketch ng dalawa at iniregalo sa kani-kanilang pamilya. 


Maging si Pope Francis (SLN) ay ginawan din ng sketch ni Michael V.


Samantala, may malaking selebrasyon ngayon ang sitcom na Pepito Manaloto (PM) bilang bahagi ng 15th anniversary ng show. May mga special guest stars na magiging bahagi ng anniversary episode, tulad ni Gelli de Belen na first time raw na magge-guest sa PM. Kaya nagbiro siya na kung hindi pa 15th anniversary ng comedy-drama serye ay hindi pa siya maiimbita.


Bale 2-in-1 ang handog na episode ng PM. Bukod sa anniversary ay kasabay na rin ang summer episode na mapapanood. Two parts ang kanilang inihanda para sa mga viewers ng PM.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page