ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 18, 2021
Masayang-masaya si Aiko Melendez na naka-graduate na ang kanyang panganay na anak na si Andre Yllana. Nagtapos na ang young actor ng Automobile Mechanic course sa Don Bosco at ipinost nga ito ng aktres sa kanyang social media accounts.
Sa kanyang post ay proud na binati ni Aiko si Andre kasabay ng pasasalamat sa mga taong nakatulong sa kanila para maka-graduate ang anak.
Pero marami ang nakapansin na hindi kasama sa mga pinasalamatan niya ang ama ni Andre na si Jomari Yllana. Kaya naman, isa ito sa mga naitanong sa kanya sa Zoom presscon niya para sa kanyang bagong negosyo na isang shopping website called Ping Me App Store.
“Kasi, hindi naman kaila sa lahat that Jom and I are not in speaking terms, 'di ba?
“Mas maganda siguro rin, para sa akin, ha, opinyon ko ‘to, na sana rin, na sa pag-graduate ng anak niya, mag-post din siya, mag-congratulate rin siya ng mensahe niya para sa anak niya mismo, 'di ba?
“I don’t have to glorify Jomari, and I don’t have to insult him also in such a way without mentioning his name, pero alam naman nating lahat na iginapang ko ‘yung anak ko para makapagtapos, 'di ba?” pahayag ni Aiko.
She also stressed out that she doesn’t mean any harm sa kanyang post.
“Wala akong gustong saktan sa post ko. Nanggagaling lang ‘yun sa puso ko talaga dahil ‘yun ‘yung mga taong kasama ko na iginapang ‘yung pag-aaral ni Andre,” sey ni Aiko.
Samantala, nakatakdang mag-launch ang aktres ng shopping website kung saan kasosyo niya rin ang boyfriend na si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.
“Ang pangalan ng website ko po ay Ping Me Up Store, it’s a website where you can shop online anything, lahat,” sey niya.
Katulad din ito ng dalawang malalaking shopping websites natin ngayon, pero aniya ay nagsisimula pa lang siya kaya wala pa raw siyang laban sa lakas ng mga ito, but siyempre, goal din niya na mapalakas din nang ganu’n ang kanyang negosyo.
Kuwento ni Aiko, si VG Jay daw ang kanyang boss sa bagong business na ito. Idea raw niya ito actually at ipinitch naman niya sa BF. Noong una raw ay kontra pa ito, pero bandang huli ay napapayag din niya.
Sey naman ni VG Jay, nakumbinse raw siya ni Aiko dahil idinaan siya nito sa lambing.
Bukod sa bagong business ay magiging busy din si Aiko sa bagong horror trilogy movie na Huwag Kang Lalabas mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.. Magsisimula na rin siyang mag-taping ng Book 2 ng Prima Donnas ng GMA-7 ngayong August.
Comments