ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 15, 2024
Sakay ng chartered Philippine Airlines plane, lumapag sa Villamor Airbase ang mga Pilipinong atletang lumahok sa Paris Olympics 2024 nu'ng Martes nang gabi, Agosto 13, 2024.
Sinalubong ang mga atleta nang mainit at buong pagmamahal ng kani-kanilang pamilya, mga fans at supporters.
Lumabas sa social media ang mga larawan ng mga atletang magiliw na yakap-yakap at hinahalikan ng kanilang mga kamag-anak.
Pero kapansin-pansin na wala ang pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sumalubong sa kanya.
Sabi ng ilang netizens, tila may kinalaman pa rin ito sa hidwaan ng mag-inang Angelica at Carlos.
May paliwanag naman ang lolo ni Carlos na si Rodrigo kung bakit walang sumalubong sa kanila sa Villamor Airbase nu'ng gabing dumating si Carlos at ang iba pang atletang Pinoy.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Rodrigo, wala itong sinabing intriga tungkol sa hindi nila pagsalubong ng pamilya niya sa pagbabalik ni Carlos sa Pilipinas.
“Dapat nga sana, masaya, kaso (pero) nadismaya ako. Hindi kami pinayagang pumunta ru’n. Ang susundo lang daw, si President, saka mga piling-piling media.
“Kaya imbes na masaya sana kaming lahat, nadismaya kami dahil naka-ready na kami sa pagsalubong, eh. Naka-ready na kami,” ayon pa sa 74 years old grandfather ni Carlos.
May nag-message raw sa kanila na nagsabing huwag na silang sumalubong.
Sabi ni Lolo Rodrigo, “Nag-text daw sa papa niya (Mark Andrew) na ‘wag na raw kaming sumama sa pagsalubong.”
Nang tanungin si Rodrigo kung sino ang nagsabi sa kanila na ‘wag nang salubungin si Carlos, sagot niya, “Hindi ko rin alam kung sino, eh, pero si Caloy 'ata, eh.”
Bakas ang pananabik ni Rodrigo at ng buong Yulo clan nang sabihin nitong gusto nilang makita at mayakap ang kanyang apo.
“Excited talaga dahil matagal na namin s’yang hindi nakita. ‘Yung mga kaibigan namin, gumawa na ng mga banner. Kung anu-ano pa yata ‘yung mga ginawa nila, saka nagprepara rin sila ng pagkain para sa ‘min.”
Kahapon ay nagkaroon ng grand homecoming para kay Yulo sa Manila, pero mukhang hindi pa rin nagkita si Carlos at ang kanyang pamilya.
Instead, kumalat nga ang picture kung saan may pa-banner ang mga fans ni Yulo na ang nakalagay ay "Caloy dito papa mo" dahil nasa crowd ang ama ni Carlos at isa sa mga nag-aabang para sumalubong sa kanya.
Nag-viral ang naturang larawan at tila lalo pa itong nakadagdag sa simpatya ng mga tao sa pamilya ni Carlos habang mas marami naman ang nagagalit sa kanya.
Sobrang tigas daw ng ulo at maldita…
KALAT NA: GF NI CARLOS, IDINEMANDA ANG MADIR KAYA ITINAKWIL
AYON sa News Line.PH, viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na sinabi kung ano ang tunay na pagkatao ni Chloe Anjhelie San Jose, ang girlfriend ng double gold Olympic medalist na si Carlos Yulo.
Ayon sa post ng netizen, hindi raw maganda ang relasyon ni Chloe sa sariling pamilya dahil sa katigasan ng ulo.
Kilalang-kilala raw ng netizen si Chloe na maldita talaga dahil ang sarili niyang ina ay itinakwil siya.
Sey ng netizen, “Pati sarili niyang ina, itinakwil s’ya dahil sa katigasan ng ulo. Idinemanda pa niya ang sariling ina.
“Lahat halos ng kamag-anak niya ay itinakwil din siya dahil sa kawalan ng respeto. Kaya hindi nakapagtataka na hindi niya kayang galangin ang nanay ni Carlos Yulo.”
Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng netizen na namba-bash kay Chloe, at 'di pa rin makumpirma kung ito ba’y “fake news” dahil sadyang naiinggit lang siya sa nobya ni Carlos Yulo o kung nagsasabi siya nang totoo.
Comments