Ibinuko ng ICC spox, Marcos admin daw nagdesisyong isuko si FPRRD sa ICC
- BULGAR
- 18 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 4, 2025

ICC IBINUKO ANG MARCOS ADMIN, ITO RAW ANG NAGDESISYONG ISUKO SI EX-P-DUTERTE -- Ibinuko ni International Criminal Court (ICC) spokesman Fadi El Abdallah na ang Marcos administration daw ang nagdesisyong isuko si dating Presidente Rodrigo Duterte sa ICC sa The Netherlands.
Kung ganu’n, parang sinabi na rin ni Abdallah na wala silang magagawa kung nagdesisyon ang Marcos admin na huwag isuko si ex-P-Duterte sa ICC, period!
XXX
MARCOS ADMIN, TIKLOP KAY SEN. IMEE -- Inisnab ng mga miyembro ng gabinete ni Pres. Bongbong Marcos ang ikalawang hearing ng Senado tungkol sa pag-aresto at pagpapakulong kay ex-P-Duterte sa ICC jail.
Ibig sabihin, tiklop ang Marcos admin kay Sen. Imee Marcos na namumuno sa imbestigasyong ito kaya tumanggi na ang Malacañang na padaluhin sa pagdinig ang mga miyembro ng gabinete ni PBBM, boom!
XXX
HUWAG MUNANG MAGSAYA ANG MGA MANGGAGAWA SA UTOS NI PBBM NA I-REVIEW ANG SUWELDO, BAKA HANGGANG REVIEW LANG, WALANG DAGDAG-SAHOD -- Inatasan ni PBBM ang lahat ng regional wage boards sa bansa na i-review ang mga sahod ng mga manggagawa sa private sector sa mga nasasakupan nilang rehiyon.
Opps, huwag munang magsaya ang mga manggagawa, kasi baka hanggang review lang iyan, dahil nga ang utos ni PBBM i-review lang, walang utos na magdagdag ng suweldo, period!
XXX
P5 DAGDAG-PASAHE SA LRT DINEDMA NG MGA SENATORIAL CANDIDATE NI PBBM KAYA DAPAT DEDMAHIN DIN NG MGA LRT COMMUTER SA ELEKSYON ANG MGA ‘MANOK’ NG MARCOS ADMIN SA PAGKA-SENADOR -- Wala isa man sa mga kandidatong senador ni PBBM ang kumontra sa P5 dagdag-pasahe na ipinatupad ng Light Rail Transit Line 1.
Dahil dedma lang sa isyung dagdag-pasahe sa LRT-1 ang mga senatorial candidate ni PBBM, ang dapat gawin ng mga LRT commuter ay dedmahin din nila ang kandidatura ng mga ‘manok’ ni PBBM sa pagka-senador, ibasura nila ang mga ito sa eleksyon, boom!
Comments