top of page
Search

Ibinuking ni Vilma, kaya magaling nang mag-Tagalog… RYAN CHRISTIAN, BAWAL MAG-INGLES SA BAHAY

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 15, 2025



Photo: Ryan Christian Santos-Recto - FB


Kahit kainitan ng araw ay hindi ininda ng pamilya ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang motorcade at ribbon cutting sa bagong bypass road na binuksan sa Lipa, Batangas kasabay ng selebrasyon ng Barako Festival nu’ng Huwebes (Feb. 13).  


Kilala ang Batangas sa kanilang produkto, ang kapeng barako, na sa kanilang lalawigan lang matatagpuan.  


Sadyang lumalawak na nga ang kanilang Barako Festival na very proud nilang ipinapakilala sa buong mundo.


Personal na sinuportahan ng team ng nagbabalik na maging ina ng Batangas na si Governor Vilma Santos, kasama ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto, ang first day ng Barako Festival. 


Runningmate ni Ate Vi bilang vice-governor si Luis at si Ryan naman ay tumatakbong congressman sa 6th District ng Lipa.  


Sa Q&A ng ginanap na mediacon, may nakapansin na magaling nang managalog ngayon si Ryan Christian na lumaking inglesero. Tinanong siya kung ano ang kanyang ginawa at bakit magaling na siyang magsalita ng Tagalog at marunong na ring makisalamuha sa mga tao.


Paliwanag ni Ryan, malaking bagay ‘yung araw-araw niyang nakakasama ang kanyang team sa kanilang pag-iikot para sa kampanya. 


Sabi naman ni Ate Vi, “Sa bahay, ipinagbabawal namin ang pagsasalita ng Ingles.”

Samantala, ang pangako ni Ate Vi, kapag nailuklok siyang muli bilang ina ng Batangas, lalo nilang paiigtingin ang Barako Festival nang sa gayon ay maraming turista ang pumasok sa kanilang lalawigan — lalo na kapag natapos na ang bypass road project na magmumula sa Lipa City.


Ang Barako Fest 2025 ay handog ng Talino at Puso Team na inorganisa ng Mentorque Productions.


 

BINISITA si Andi Eigenmann ng kanyang grandparents na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil sa Siargao. Biglaan ang dating ng mga ito na ikinagulat ng aktres.


Sa Instagram (IG) ay ibinahagi ni Andi ang ilang snaps ng pagbisita ng kanyang lolo’t lola kasama ang half-sister niyang si Stevie Eigenmann.  


Sa larawan ay makikitang nag-e-enjoy sina Rosemarie at Eddie habang nagsu-swimming sa pool kasama ang mga apong sina Ellie, Lilo at Koa.  


“Not to overshare, but I was ecstatic that my grandparents finally got to come visit Siargao all the way from the States, after 7 years of me living here,” ani Andi.  


Si Eddie, ang family patriarch, ay dating famous actor at singer noong ‘70s kung saan siya ang tinaguriang ‘Elvis Presley ng Pilipinas.’  


Ang misis naman niyang si Rosemarie ay kilala sa pagganap ng mga rich socialite-villainess roles sa TV at pelikula.  


 

TINAMAAN ng influenza si Jessa Zaragoza.  

Sa kabila ng pag-inom ng antibiotics at pansamantalang paggaling, lumala ang kanyang kondisyon at nakaranas ng pananakit ng katawan, tuyong ubo at paulit-ulit na lagnat.  


Halos mapaiyak umano siya at pabirong napakanta ng “Parang ‘di ko yata kaya” dahil sa tindi ng ubo.  


Sa matinding trangkaso matapos makaranas ng upper respiratory infection at pagkawala ng boses, hindi na raw talaga niya kinaya ang matinding pananakit ng katawan. 


Nagpasalamat siya sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga doktor na tumulong sa kanyang paggaling habang nagpaalala sa publiko na pahalagahan ang kanilang kalusugan.  

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page