ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 1, 2023
Ayon sa manager ni Lorna Tolentino na si Lolit Solis, ready na raw magmahal ulit ang Grand Slam Queen after 15 years ng pagiging biyuda.
Matatandaang yumao ang mister niyang si Rudy Fernandez noong 2008 and since then ay hindi na muling nag-asawa si LT. Ni wala nga siyang inaanunsiyong boyfriend sa publiko ever since.
Pero ngayon, ayon sa manager niyang si ‘Nay Lolit, gusto na raw mag-asawang muli ni LT.
“Naghahanap siya ng dyowa na mag-aalaga sa kanya, sinabi niya. Oo, naghahanap siya ng lalaking mag-aalaga sa kanya,” sey ni ‘Nay Lolit.
Mayroon ba siyang qualities na hinahanap sa isang lalaki?
“Basta puwede siyang buhayin, type niya ‘yun,” aniya.
Kaya hindi raw talaga true ang tsika na tomboy ang aktres.
“Lalaki ang gusto niya, hindi babae!” mariin pang sey ni ‘Nay Lolit.
Komentáře