ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 29, 2024
Photo: Michael Leyva, Bimby, Josh at Kris Aquino - Instagram
NAGPADALA ng update sa kanyang health condition ang TV host na si Kris Aquino sa good friend niyang dating Entertainment Editor ng isang tabloid na si Tito Dindo Ballares.
Ipinost naman ni Tito Dindo sa kanyang Facebook account hindi lang ang mga kuwento ni Kris kundi pati ang mga latest photos nito.
Isa nga ru'n ang photo ni Kris na may gamit na walker dahil medyo hirap ito sa paglalakad sanhi ng pagbagsak ng kanyang timbang at pagpayat ng kanyang mga legs.
Mababasa sa photo ni Kris ang text na: "Ganyan kapayat my legs. That's why I need physical therapy. And I'm 87 pounds, Kuya Dindo. — Kris Aquino"
Ang nakakatuwa kay Kris at in fairness ay consistent siya, sa kabila ng kanyang pinagdaraanan ngayon at sabi nga niya kay Tito Dindo nu'ng magkausap sila ay papasok siya sa Makati Medical Center that night for another procedure, pero gusto pa raw nitong sumali sa relief operations.
Kilala naman kasi si Kris na isa talaga sa mga very generous celebs lalo na 'pag panahon ng kalamidad, talagang isa siya sa mga nangunguna sa pagdo-donate ng tulong, whether cash or goods.
At siguro nga, kung walang sakit ngayon si Kris, baka nakita na natin itong namimigay din ng relief goods.
Anyway, sa isa namang FB post ni Tito Dindo, nakaka-touch din ang kuwento ni Kris na gumawa at binigyan ng anak niyang si Bimby ang gay designer friend niyang si Michael Leyva ng birthday card last Oct. 22.
Makikita sa card ang picture ng nakatalikod na matangkad na lalaki hawak ang kamay ng batang kasama niya na nakatalikod din at may nakasulat du'n na: "Happy birthday, Dad!"
Yes, daddy pala ang turing at tawag ni Bimby kay Michael Leyva na isa sa mga talagang kasa-kasama ni Kris sa health journey niya ngayon.
Nakaka-touch ang kuwento ni Kris na naglalabas pa raw ng sariling pera si Michael Leyva kapag may kailangan siya sa kanyang pagpapagamot.
At kung bakit ganu'n na lang ang malasakit ng fashion designer kay Kris at sa mga anak nito?
Kuwento ni Kris, nu'ng baguhan pa lang daw kasi si Michael Leyva at wala pang nagtitiwala rito, ang TV host ang nagbukas ng door para sa fashion designer na makilala ang kanyang mga gawa dahil si Michael pala ang gumawa ng gown ni Kris sa last SONA ni P-Noy at 'yung isinuot ni Kris sa red carpet ng Crazy Rich Asians. Kaya ganu'n na lang daw ang pagtanaw ng utang na loob ni Michael Leyva sa kanya.
Well, naisip lang namin, ano kaya ang reaction ni James Yap kapag narinig niyang may ibang 'daddy' na tinatawag at itinuturing si Bimby?
Naisip din daw magbuntis…
ICE, GUSTONG MAG-AMPON MAGKAANAK LANG
BENTANG-BENTA sa mga concertgoers ang Videoke Hits concert ni Ice Seguerra kaya 'yung OPM Edition niya ay magkakaroon pa ng repeat on Nov. 8 titled Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! sa Music Museum, 8 PM.
Tayo pa namang mga Pinoy, walang kahilig-hilig mag-videoke at pasikatan pa, aminin!!!
Kaya 'yung concept ng concert ni Ice kung saan bigla niyang inaabutan ng mic ang audience at pinakakanta, bentang-benta!
Basta ang sabi lang ni Ice, ayaw niya ng papilit o 'yung tipong hiya-hiya pa at bisi-bisihan 'pag inabutan ng mic. Kailangan, game lagi na makipag-jamming sa kanya.
Anyway, tinanong namin si Ice kung ano ang favorite niyang kanta sa line-up ng songs niya sa Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!.
Sagot niya, 'yung Anak ni Freddie Aguilar dahil ang lakas daw ng impact sa kanya at may kakaibang dating, although hindi naman siya suwail na anak tulad ng tinutukoy sa kanta.
At dahil nasa 'anak' na nga ang topic namin, na-curious kaming itanong kay Ice kung binalak ba niyang magkaanak noon nu'ng wala pa sa buhay niya ang misis na si dating FDCP Chair Liza Diño.
Pag-amin ni Ice, dahil cute na cute siya sa mga babies at mahilig siya sa bata, naisip din daw niyang mag-adopt na lang noon o kaya, dahil wala pa siyang idea about IVF that time, naisip din daw niyang what if magpabuntis siya?
Kaso nga, hindi niya keri ang ganu'n dahil hello, knows naman natin ang gusto niya, kaya hindi na rin natuloy.
Hanggang sa dumating na nga sa buhay niya ang kanyang wifey na aminado siyang napakalaki talaga ang naging parte sa buhay niya.
Sa ngayon, hindi na raw nila priority ni Liza ang pagkakaroon ng sariling anak lalo't ang itinuturing nilang baby at inaalagaan nang husto ay ang itinayo nilang Fire & Ice Productions na nagpo-produce ng mga concerts, stage plays at nagma-manage na rin ng mga baguhang singers-performers.
Malaki rin ang naging puhunan nila rito kaya talagang tinututukan daw nilang mag-asawa, lalo't iniisip nila ang kanilang mga staff na nabibigyan ng trabaho dahil sa kanilang itinayong negosyo.
Anyway, bago pa kayo maubusan ng tickets sa Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!, make sure na makabili na kayo dahil sa Nov. 8 na 'yan.
Isa sa mga guests niya si Ebe Dancel at marami pang surprise guests.
Commentaires