ni Angela Fernando - Trainee @News | March 6, 2024

Sa latest episode ng vlog ni Ogie Diaz na "Showbiz Update" direktang inusisa nito ang real score kay Xian Lim at producer na si Iris Lee.
Ayon kay Ogie, maraming nakarating sa kanyang chismis na may mga Pinoy sa Thailand ang nakakita sa dalawa.
"'Yung mga Pilipino, meron akong source doon na 'Sila na ba, Tito Ogie? Kasi magka-holding hands sila madalas — holding hands while walking.' Medyo sweet daw 'yung dalawa," sey ni Ogie.
Nilinaw naman ni Ogie na hindi niya masasagot kung ano ang namamagitan sa dalawa dahil wala rin daw siyang alam.
Pagbabahagi niya, "Hanggang sa may nag-chika na nga sa 'kin na mukhang sila na nga raw.
"Ewan ko kung true 'to, ha, kasi sa isang hotel, may mga Pilipino rin na naroroon. Kung totoong sa isang kwarto lang sila nag-stay kasi tinatanong ako, ano'ng isasagot ko? Wala naman akong alam," dagdag niya.
Sina Xian at Iris lang daw ang makakasagot ng mga katanungan ng madlang pipol at kung ano ang relasyon nila.
Matatandaang kamakailan lang nu'ng kinumpirma nina Kim Chiu at Xian ang kanilang hiwalayan mula sa halos 11 taon nilang relasyon.
Commenti