ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 18, 2025
Photo: Robi Domingo at Gela Atayde - Instagram
Bata pa lang si Gela Atayde ay kilala na namin at mahilig siyang makinig sa tsikahan namin ng Mama Sylvia Sanchez niya, gayundin ng kanyang Kuya Arjo at Ate Ria tungkol sa showbiz.
Dahil lumaking puro showbiz ang napag-uusapan sa hapag-kainan bukod pa sa napapanood ni Gela ang mga programa ng nanay niya, pinangarap din niyang umarte sa harap ng kamera tulad din ng kuya at ate niya.
Pero dahil mahigpit ang school kung saan siya nag-aaral ay hindi muna siya pinayagan ng mga magulang na pasukin ang showbiz, tulad din ng ginawa ng Ate Ria niya na nagtapos muna ng college.
Pero hindi ito naging hadlang sa bunsong anak na babae nina Sylvia at Papa Art Atayde dahil sumali siya sa dance group ng eskuwelahan nila kung saan nakikipag-compete sa ibang bansa at laging nananalo.
Kaya ang pangarap na umarte sa harap ng kamera ay napunta na sa pagsasayaw, na sobrang ine-enjoy ng dalaga. At ngayon, heto na siya, nasa harap ng camera pero bilang isa sa mga hosts ng programang Time to Dance (TTD) kasama si Robi Domingo at ang mga hurado na sina Ken San Jose at legit Misfitz coach na si Vimi Rivera.
Sa launching ng Time to Dance nu’ng Huwebes ay ibinuking ni Robi na sa tuwing may nae-eliminate sa dance competition ay walang ginawa si Gela kundi umiyak nang umiyak kaya kinailangan nilang huminto muna sa taping para hintaying maging okay na ang dalaga.
Natatawang kuwento ni Robi, “Every time nagkakaroon ng eliminations or may something, iiyak na naman si Gela. So, okay, hintay na naman tayo. Gela, ano ba’ng nangyayari? Tapusin natin ang programang ito, ha? It’s how she shows her heart.”
Passion project daw kasi ni Gela na magkaroon ng reality dance show para sa aspiring dancers pero kulang sa pinansiyal kaya natanong ang dalaga kung ano ang goal ng programang TTD na mapapanood na ngayong gabi, Sabado, sa Kapamilya Channel at A2Z handog ng Nathan Studios at ABS-CBN Studios.
“We also want to involve the Philippine Dance community, so we really do have guest from someone leading groups from the Philippines like U Peeps, of course Legit (Misfitz), Filipino All Stars and some Kapamilya stars who are credible (judge) like AC (Bonifacio), Darren (Espanto),” sey ni Gela.
Dagdag pa nito, “This is also an advocacy project for me because nakita ko ‘yung mga kulang at sobra. Here, in Time to Dance, I want to do this because I want to be able to help those who want to explore dance more and be inspired like I have teammates kasi who were not really financially stable enough.”
Ang gustong tukuyin ni Gela ay ‘yung mga kasamahan niyang magagaling din pero kapos sa panggastos kapag may competition sila sa ibang bansa at sa Time to Dance ay may mga ganito ring senaryo kaya gusto niyang tumulong sa mga ito, lalo’t nabigyan siya ng pagkakataong makatulong.
At dahil sa passion na ito ni Gela ay nabuo ang concept na ito na inaprubahan ni Direk Laurenti Dyogi bilang ABS-CBN’s Head ng TV Production at pinuno rin ng Star Magic at ng ina ng dalaga na si Sylvia Sanchez bilang producer ng Nathan Studios.
HINDI na tuloy ang Manila International Film Festival sa Los Angeles, California, USA sa Enero 30 hanggang Pebrero 2 dahil sa wildfires doon, ayon sa post ng US-based talent-PR manager at vlogger na si Oliver Carnay.
Naka-schedule sanang ipalabas doon ang 10 official entries ng MMFF 2024 na nagtapos nito lamang January 14 matapos ma-extend ang ilang kalahok na pelikula sa mga sinehan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Base sa post ni Oliver, “Just in: #FLASHNEWS, Manila International Film Festival postpones its second edition due to wildfires.
“Due to the devastating wildfires in Southern California, the Manila International Film Fest postponed its second edition, scheduled from January 30 to February 2, to a later date this year that will be announced.
“MIFF was going to show entries plus special screening films at the TCL Chinese Theatre in Hollywood and hold a closing night awards gala at the International Ballroom of The Beverly Hilton in Beverly Hills.”
Ang official statement naman ni Omen Ortiz, MIFF chairman and co-founder, “Because of the catastrophic wildfires that are heavily affecting Southern California, we at the Manila International Film Festival (MIFF) are postponing our second 2025 edition, originally scheduled from January 30 to February 2, to a later date to be announced.
“We are devastated by the tremendous impact of the wildfires on many people, including the Filipino community.
“At this time, as we pray for the people experiencing trauma and loss, we ask all to continue supporting the fire relief efforts.
“We look forward to announcing the new dates of this year’s MIFF where we plan to honor the frontline workers and volunteers, including the Filipino first responders, who are heroically battling the wildfires.”
Comments