top of page
Search
  • BULGAR

Ibinuking ng BF na si Ruru… BIANCA, SELOS NA SELOS KAY GABBI

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 20, 2024



Showbiz News

Hindi raw alam ni Gabbi Garcia na pinagseselosan pala siya noon ni Bianca Umali dahil kay Ruru Madrid. 


Mismong si Ruru ang nagbuking kung sino sa mga Kapuso stars ang pinagselosan ni Bianca. 


Ayon kay Gabbi, hindi naman sila naging super close ni Ruru, kaya walang dahilan para ma-insecure si Bianca. Besides, may nobyo na siya ngayon, si Khalil Ramos, kaya hindi na siya nag-e-entertain ng mga manliligaw.


Marami ang nagsasabing malakas ang sex appeal ni Gabbi sa mga boys, agaw-pansin ang ganda niya saanman siya magpunta. Sosyal at classic ang beauty ni Gabbi. 


Samantala, si Bianca naman ay likas na tahimik at shy type, pero may pagka-selosa raw ito, kaya madalas itong nagiging sanhi ng kanilang pag-aaway ni Ruru.


Ngayon, pareho na silang nag-mature, kaya hindi na gaanong selosa si Bianca. 

Nangako naman si Ruru na si Bianca lang ang kanyang “only love” at hindi na titingin pa sa ibang babae.


 

Hindi uurungan ni Sam Verzosa si Isko Moreno at iba pang makakalaban niya sa Maynila bilang mayor sa darating na eleksiyon.


Batang Sampaloc si Congressman Sam, kaya sanay na sanay sa hirap at sa mga pagsubok ng buhay. Lahat ng klaseng trabaho ay pinasok niya noon upang maka-survive. Lakas ng loob at sipag ang kanyang naging puhunan upang makaahon sa hirap.


Dati-rati, marami ang nagsasabing hindi siya makakapagtapos sa pag-aaral dahil mahirap lang siya, hindi raw siya aasenso at hanggang Sampaloc na lang ang kanyang mararating. 


Pero pinatunayan ni Sam sa lahat ng humamak at nangmaliit sa kanya na maaabot din niya ang kanyang mga pangarap at gagawing mas maganda ang buhay ng kanyang pamilya.

Well, natuto siyang magnegosyo at nagkaroon ng malawak na koneksiyon. Nakilala niya si Willie Revillame at nabigyan siya ng exposure bilang co-host sa Wowowin

Nagkaroon din si Sam ng sariling public service show sa GMA-7, ang Dear SV na nagbibigay ng pag-asa sa mga taong hikahos sa buhay.

Sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang parte ng Maynila, nakita niya ang pangangailangan ng mahihirap na Manileños. Dito niya nais ibuhos ang kanyang tulong bilang public servant. 

Balitang-balita na sa Maynila na mahigpit silang maglalaban ni Yorme Isko sa 2025 election. Malalakas din ang ibang kalaban, pero handa si SV na harapin silang lahat. 


 

SAAN na nga ba papunta ang career ni Liza Soberano ngayong umalis na siya sa Careless Management ni James Reid? 


Posible pa bang matupad ang kanyang Hollywood dream gayung pabagu-bago ang kanyang desisyon at tila nagmamadali siyang magkaroon ng career abroad? 


Hindi kaya nanghihinayang na si Liza sa mga oportunidad na kanyang pinakawalan simula nang kumalas siya sa dati niyang manager na si Ogie Diaz? Milyun-milyon na sana ang kanyang kinita sa mga endorsements kung nanatili na lang siya sa kanyang

career sa Pilipinas.


Ngayon, mistulang baguhan si Liza Soberano na nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan. 


Sa dami ng mga bagong magaganda at talented na artista, hindi na mararamdaman ang pagkawala ng isang Liza sa local showbiz. Wala pa naman kasi siyang napatunayan acting-wise.


Well, maling-mali ang ginawa niyang pag-alis sa dati niyang manager na si Ogie Diaz dahil malaking tulong ito sa kanyang career. Tanong ngayon ng mga netizens, may pag-asa pa ba si Liza Soberano na makabawi sa lumalamig niyang career?


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page