ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 21, 2025
Photo: Daniel at Kathryn - Instagram
Bagong-bihis, iba ang imahe at action star na action star ang awrahan ngayon ni Daniel Padilla.
Napanood na namin ang ilang episodes ng Incognito sa Netflix though nagsimula pa lang ito sa ABS-CBN platform last night (January 20).
Sa umpisa pa lang ay ipinakita na ang isang matikas at bagong-bihis na Daniel, na bagay naman palang action star. In fact, sa first episode pa lang ay sabak na sabak na agad ito sa action scenes kumpara kay Richard Gutierrez na equally billed kay DJ.
Mukhang magastos ang action series (though halata namang naka-green effect o CGI ang ibang eksena) dahil may iba’t ibang locations ito plus stars na bigatin din naman like Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal at Anthony Jennings.
Kenkoy na umaaksiyon itong si Anthony at kung hindi mo talaga iisipin ang pinasok nitong iskandalo, hahangaan mo ang husay nito. We still have to witness Maris dahil sa first three episodes na napanood namin, waley pa siya.
Looking forward kami kina Agot Isidro, Elijah Canlas, Jane de Leon at iba pang cast members na kasama sa series.
May special participation si Belle Mariano na talagang pinaglakad sa gubat nang walang sapin sa paa at ikinulong sa kuwadra kasama ang ilang mga hayop.
Hopefully, ito na nga ang maging jumping board ni Daniel sa action series at sa kanyang solo career.
Magaling na aktor si DJ at artista naman talaga ang kanyang awra. Sayang naman kung ikukulong lang natin siya sa love team-love team.
And please naman, huwag nang lagyan ng anggulo ang promo ng Incognito (if ever na may ganu’ng promo, ‘noh!) na umaaligid umano ito sa subdivision ng dating GF at tandem na si Kathryn Bernardo.
Hindi nakaka-action star ang peg. Hahaha!
DEDMA pa rin at wala pa raw reaksiyon si Momshie Karla Estrada sa naging post ni Jellie Aw, ang fiancee ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Jam Ignacio.
Nag-viral kasi ang post ni Jellie kung saan pinangalanan nga nito si Karla sa isang nakakaintrigang post kaugnay umano ng pagdamay sa trabaho ng una.
Pero mas higit ngang pinag-usapan ang pagtawag dito ni Jellie ng ‘mommy’ na isa palang DJ sa isang club.
Ang latest na nasagap namin ay mayroon umanong reply-post si Karla pero mabilis din daw itong tinanggal, kaya’t halos wala raw nakaalam.
May mga nagsasabi namang baka nga hindi pa raw nakaka-move forward si Karla, lalo’t nasaktan nga ito ng kanyang ex dahil sa tagal ng naging relasyon nila ay ni hindi man lang ito nag-propose unlike dito kay Jellie.
May mga unconfirmed reports ding nagsasabi na gumagamit umano ng koneksiyon itong si Karla sa mga friends nito sa business sector, kaya’t kering-keri nitong makialam sa trabaho ng current fiancee ng ex-BF?
Nakakaloka, pero mukhang hindi naman ganu’n ang pagkakakilala natin kay Karla Estrada, ‘noh! Si Karla pa!!!!
Dahil sa lumabas na desisyon ng korte sa isyu ni Maggie Wilson laban sa kanyang asawa at custody ng anak, lumutang din ang name ni Marc Nelson.
Nag-testify pala kasi ang dating co-host ni Maggie laban sa kanya kaya naman pinutakti ng bashing ang dating aktor-host na kesyo mapanira ito ng pamilya.
Ang ending, bigla tuloy naglabasan ang mga lumang isyu ni Marc na noong ‘90s ay isa talaga sa mga pinaka-promising na hosts at hunk model-actors.
Isa na nga rito ang kanyang gender identity, ang pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki (hindi pa ganu’n kabulgar noong mga time niya), ang mga escapades nito abroad at iba pang bagay na iniwasan niya sa showbiz.
At sa pagkatig ng korte pabor kay Maggie, tila kinatigan din ang dating beauty queen at aktres ng mga netizens laban naman kay Marc.
Ang latest na balita ay nasa isang Asian country ang model-host at bisi-bisihan umano ito sa negosyo.
Comments